Tandaan lamang na kinuha ang malaking bahagdan ng mga kinatawan ng mga nakikitang kulay rito mula sa mga pamamaraan ng pagpapangalan na ginagamit sa pagpapatakbo ng mga kompyuter, katulad ng X11 o HTML4. Nilagyan ng mga katumbas na halagang pangmodelo ng kulay na RGB (Red, Green, Blue o Pula, Lunti, Bughaw) ang bawat kinatawan, dahil batay ang mga pamantayan dito mula sa puwang ng kulay na sRGB. Hindi magagawang ganap na mabigyan ng tumpak na mga halagang pang CMYK ang lahat ng mga kinatawan ng kulay na naririto sapagkat magkaiba ang mga gamut ng RGB at CMYK. Subalit maaari pa ring magawa ito sa pamamagitan ng paggamit ng mga sistema ng pamamahala ng kulay na kasama sa mga sistema ng operasyon. Maaari rin itong magawa sa pamamagitan ng mga sopwer na pampatnugot ng imahe.
Ibinigay din sa ibaba ang mga halaga ng HSV (Hue, Saturation, Value o at "antas ng pagkaitim ng isang kulay, antas ng pagkakababad, at antas ng pagiging kaakit-akit" [literal na salin]), na tinatawag ding HSB (Hue, Saturation, Brightness o "antas ng pagkaitim ng isang kulay, antas ng pagkakababad, at antas ng katingkaran" [literal na salin]), at ng mga Hex Triplets (ginagamit para sa mga pang HTML na mga kulay sa Web.
Tandaan din na ang pagpapangalan ng mga kulay ay malabo na nakabatay sa pagkilatis at nagbabago sa pagitan ng mga tao at mga kalinangan; hindi lubos na masasabing ang bawat isang kinatawan ay tumpak na halimbawa ng isang partikular na pangalan ng kulay. Bilang karagdagan: may limitasyon ang mga gamut ng mga display (pagpapakita) ng kompyuter. Marami ring mga matitingkad na tinta (pigment) na hindi talaga maipapakita sa panooran o tinginan (iskrin) para maging halimbawa at ang paggaya (simulasyon) sa kalikasan ay hanggang sa paglalapit (o aproksimasyon) lamang.
Ang puti ay kombinasyon ng lahat ng mga kulay sa namamasid na sangkahabian ng liwanag (visible light spectrum). Madalas itong ituring bilang kulay na akromatiko (hindi nababago o hindi nababahiran, sapagkat may kakayahan o katangiang hindi mahawahan ng ibang kulay, ang puti ang nakapagpapalabnaw sa ibang mga kulay, hindi ang kabaligtaran).
Ang pula ay ilang mga magkakatulad na mga kulay na pinukaw sa pamamagitan ng liwanag, na binubuo ng namamayaning pinakamahabang daluyong na nawawari ng mata. Halos 625–750 nm ang sakop ng haba ng daluyong (wavelength). Itinuturing itong isa sa mga pang-dagdag na pangunahing kulay.
Ang narangha o kahel ay ang kulay sa nakikitang kahabian sa pagitan ng pula at dilaw kasama ang isang haba ng daluyong sa sakop na 585 - 620 nm. Sa HSV color space, mayroon itong hue na 30º.
Ang dilaw ay kulay ng liwanag na may haba ng daluyong na namamayani sa sakop na halos 570-580 nm. Sa HSV color space, mayroon itong hue na may 60º. Tinuturing itong pambaawas sa mga pangunahing kulay.
Ang luntian o berde ay isang kulay, ang persepsiyon na pinupukaw ng liwanag na mayroong isang kahabian na namamayani ang lakas kasama ang isang haba ng daluyong na halos 520–570 nm. Itinuturing itong isa sa mga pang-dagdag na pangunahing kulay.
Siyan (Cyan) ay kahit anumang kulay sa bughaw-lunting sakop ng nakikitang sangkahabian ng liwanag. Itinuturing itong isa sa mga pang-bawas na pangunahing kulay..
Ang bughaw o asul ay isang kulay, ang persepsiyon na pinupukaw ng liwanag na mayroong sangkahabian na namamayani ang lakas kasama ang isang haba ng daluyong na halos 440–490 nm. Itinuturing itong isa sa mga pang-dagdag na pangunahing kulay.
Ang lila ay kahit anumang mga kulay, ang persepsiyon na pinupukaw ng liwanag na mayroong sangkahabian na namamayani ang lakas kasama ang isang haba ng daluyong na halos 380-450 nm. Tumutukoy din ito sa mga klase ng bughaw at purpura.
Fuligin, parehong isang kulay at isang tela na may ganoong kulay, may kaugnayan sa Guild of Torturers sa aklat ni Gene Wolfe na The Shadow of the Torturer. Isinalarawan ang kulay bilang "mas maitim sa itim" at "ang kulay ng uling."
Grue at Bleen, mga kulay na nagbago pagkatapos ang isang pansariling kagustuhan ngunit may nakatakdang oras; unang ginamit ang kataga ni Nelson Goodman, isang pilosopo, upang ihalimbawa ang tinatawag niyang "ang bagong bugtong ng pagtatalaga".
Octarine, isang kulay ng mahika sa mga nobelang pantasyang Discworld, sinasalarawan bilang maging kawangis ng isang mailaw na maluntiang-dilaw na purpura.
Squant, ang pang-apat na pangunahing kulay na pinasikat ng bandang Negativland noong 1993.
Talaan
Mga sanggunian
Tingnan ang katumbas na artikulo sa Wikipediang Ingles para sa mas malawak na pagtalakay ng paksang ito.
Frery, A. C.; Melo, C. A. S. & Fernandes, R. C. Web-Based Interactive Dynamics for Color Models Learning.Color Research and Application, 2000, 25, 435-441. DOI 10.1002/1520-6378(200012)25:6<435::AID-COL8>3.0.CO;2-J