Pangkalahatang halalan sa Pilipinas, 1941

Ang artikulong ito ay bahagi ng seryeng:
Politika at pamahalaan ng
Pilipinas

Ang Halalan sa pagkapangulo, mga mambabatas at lokal na opisyal na ginanap noong Nobyembre 11 taong 1941 sa Pilipinas. Ang nakaluklok na pangulo na si Manuel Luis Quezon ay nanalo ng pangalawang termino bilang Pangulo sa maraming lamang sa kalaban. Ang kanyang kasama na si Pangalawang Pangulong Sergio Osmeña ay nanalo rin na malaming lamang. Ang mga nahalal na opisyal sa kasamaang palad ay hindi nakapagsilbi mula taong 1942 hanggang 1945 dahil sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Taong 1943, nagkaroo ng Republikang gawa ng mga Hapones at itinalaga si Jose P. Laurel bilang pangulo nito. Mula 1943 hanggang 1945, Ang Pilipinas ay may dalawang pangulo. Namatay si Quezon noong 1944 dahil sa tuberculosis at napalitan ni Sergio Osmeña.

Resulta

Pangulo

Kandidato Partido Boto %
Manuel Luis Quezon Nacionalista Party 1,340,320 81.78%
Juan Sumulong Popular Front 298,608 18.22%

Pangalawang Pangulo

Kandidato Partido Boto %
Sergio Osmeña Nacionalista Party 1,445,897 92.10%
Emilio Javier Popular Front 124,035 7.90%

Senado

Kandidato [a] [b] Partido Pamamahala [c]
Alauya Alonto[2] Nacionalista Nagsilbi
Antonio de las Alas Nacionalista Nagsilbi
Melecio Arranz Nacionalista Nagsilbi
Nicolas Buendia Nacionalista Nagsilbi
Mariano Jesus Cuenco Nacionalista Nagsilbi
Ramon J. Fernandez Nacionalista Nagsilbi
Carlos P. Garcia Nacionalista Nagsilbi
Pedro C. Hernaez Nacionalista Nagsilbi
Domingo Imperial Nacionalista Nagsilbi
Vicente Madrigral Nacionalista Naaresto
Daniel Maramba Nacionalista Died
Rafael Fernandez Nacionalista Nagsilbi [1]
Jose F. Ozamiz Nacionalista Executed
Quintin Paredes Nacionalista Naaresto
Elpidio Quirino Nacionalista Nagsilbi
Vicente Rama Nacionalista Nagsilbi
Esteban de la Rama Nacionalista Nagsilbi
Claro M. Recto Nacionalista Naaresto
Eulogio A. Rodriguez, Sr. Nacionalista Naaresto
Manuel Roxas Nacionalista Nagsilbi
Prospero E. Sebastian Nacionalista Naaresto
Emiliano Tria Tirona Nacionalista Naaresto
Ramon Torres Nacionalista Nagsilbi
Jose Yulo Nacionalista Naaresto
Note: Tally of votes were destroyed during World War II. Source: Philippine Senate
a. ^  Ang mga sumusunod ay inaresto sa pakikipag-sabwatan sa mga Hapones: Antonio de las Alas, Vicente Madrigal, Quintin Paredes,
Claro M. Recto, Eulogio Rodriguez, Proceso E. Sebastian, Emiliano Tria Tirona, Jose Yulo.
b. ^  namatay si Daniel Maramba at pinatay naman si Jose Ozamis sa kasagsagan ng giyera.
c. ^  Ang mga senador na nahalal noong 1941 ay nagsilbi lamang mula Hulyo 5, 1945 hanggang Abril 23, 1946 maliban kay Alauya Alonto, Esteban de la Rama, Pedro C. Hernaez, Vicente Madrigal, Vicente Rama, Eulogio A. Rodriguez, Sr., Proceso E. Sebastian at Emiliano Tria Tirona na nagsilbi hanggang Mayo 22, 1947
1. ^  Pinalitan si Norberto Romualdez na namatay noong gabi ng halalan.
2. ^  Ginamit ni Alauya Alonto ang kanyang pangalang Muslim na "Sa Ramain" noong halalan.

Tingnan din

Mga panlabas na Kawing