Pamumukaw ng suso

Pagdila ng isang babae sa utong at suso ng isa pang babae.
Ang pagkurot ng isang lalaki sa utong at dibdib ng isa pang lalaki.
Ang paghipo ng isang lalaki sa suso ng isang babae.

Ang Pagbubuyo ng utong ng suso o estimulasyon ng utong, na tinatawag ding pagbubuyo ng suso, estimulasyon ng suso, pagpukaw sa suso, pagpapasigla ng suso, paggising sa pakiramdam ng suso, pagdila sa utong, o pagdila sa suso, ay isang pangkaraniwang gawaing seksuwal na pantao, na maaaring pangganitong gawain lamang o kaya kabahagi ng iba pang mga gawaing pangpagtatalik. Ang gawain ay maaaring isakatuparan sa o ng mga tao ng anumang kasarian o kamulatang seksuwal, subalit mas pangkaraniwang ginagawa ng katalik sa kababaihan. Ang estimulasyon ng suso, bilog sa paligid ng utong, at sa utong ng kababaihan ay isang halos pandaigdigang bahagi ng gawaing pangpagtatalik ng tao, at ang estimulasyon ng mga utong ng kalalakihan ay hindi pangkaraniwan.[1]

Ang suso ng lalaki o babae, utong at areola ay magkahalintulad ang pag-unlad sa Nabubuong sanggol at sa panahon ng kamusmusan o kasanggulan. Sa panahon ng kabagongtauhan, ang mga suso ng lalaki ay nananatiling rudimentaryo o nasa mura at hindi lumalaking kalagayan, subalit ang sa babae ay umuunlad pa ng lubusan, pangunahing dahil sa pagkakaroon ng estrohena at prohesteron, at nagiging mas maselan o sensitibo. Lahat ng mga suso ay may magkatulad na bilang ng dulo ng mga nerb kahit na gaano pa kalaki ang mga ito. Kung kaya't ang mas malakas ang pandama o pagiging maselan ng mas maliliit na mga suso habang ang mas malalaking mga suso ay nangangailangan ng mas malakas na estimulasyon.[1]

Ang paghipo sa suso at utong, kasama ang pagpisil o pagkurot sa suso at utong, ng ibang tao ng isa pang tao ay normal na tanda ng pagkamatalik ng kanilang samahan, at ang pagpapahintulot na mahawakan ang suso o dibdib ay maaaring isang tanda ng human bonding na pangdamdamin at pagtitiwala sa pagitan ng mga indibiduwal o, kung hindi pinapayagan, ay ng pagpaparaya ng babae (submisyon o pagsunod). Ang mga suso, lalo na ang mga utong, ay may mataas na kaantasan ng pagiging sonang erohenosa, para sa kalalakihan at sa kababaihan, at may mataas na pandama o sensitibidad (pagkamaselan), na ang estimulasyon ng mga ito ay maaaring magresulta sa produksiyon ng mga sensasyong erotiko o pantasyang seksuwal o kaya pagkasabik na seksuwal. Ang paghipo ng mga utong ay maaaring isang proma ng paglalaro bago magtalik na humahantong sa pagkapukaw na seksuwal ng babae at sa pagtayo ng kanyang mga utong.

Ang pagtayo ng mga utong ay ang pinaka lantad na tanda ng pagkaantig na seksuwal ng isang babae, at ang pananayo ng mga utong na ito ay maaaring maging estimulong erotiko para sa kaparehang katalik ng babae. May ilang mga tao na nagkakamit ng pansarili nilang pagkapukaw na seksuwal sa pamamagitan ng pagsuso o pagsupsop sa utong ng babae o sa pamamagitan ng pagtingin sa utong na nakatayo, kasama ang kahit na napapansin lamang sa nakadamit pang kapareha. Ang pagsasagawa ng pagsuso ng isang adulto sa suso ng isang babae ay minsang tinutukoy na laktasyong erotiko o pagsusong erotiko, habang ang isang tao na napukaw nang seksuwal sa pamamagitan ng pagkatanaw sa suso ng isang babae ay maaaring isang tao na may petisismong makasuso.

Ang isang tao ay maaaring makaranas ng magkasabay na ereksiyon ng mga utong, na kasama ang kaugnay na mga pagbabagong pampisyolohiya, bilang resulta ng pagkalantad sa estimulong erotiko o bilang pagtugon sa ginaw o lamig.

Tingnan din

Mga sanggunian

  1. 1.0 1.1 Levin, Roy J. "The breast/nipple/areola complex and human sexuality". Sexual & Relationship Therapy. Vol.21, Issue 2 (May 2006). p.237–249