Ang malaswang usapan ay isang pamamaraan ng paggamit ng mga salitang nakakalikha ng mga malilinaw na imahe at ito'y nakakapagpatindi ng seksuwal na kasiyahan tuwing o bago ang pagtatalik. Kadalasan, ito'y bahagi ng laro bago magtalik.
Ang mga pamamaraang gaya ng seksuwal na paglalarawan, katatawanang seksuwal, seksuwal na utos at bastos na mga salita ay kabilang sa malalaswang usapan. Maaari itong ibulong sa tainga ng kasintahan, o sa telepono, o sa mensaheng ipinadadala gamit ang cell phone.
Kapag ang magkarelasyon ay malayo sa isa’t-isa at imposibleng magkaroon ng pagkakataon upang sila’y makapagtalik o magkaroon ng kahit anong pisikal na paglalapit, ang malalaswang usapan ay maaaring maging importanteng aspeto ng birtwal na pagtatalik, partikular na ang pagtatalik gamit ang telepono o ang internet.
Ang malaswang usapan ay natural na mas higit na sekswal kaysa sa usapan pagkatapos ng pagtatalik (pillow talks) kaya mas mainap na mauna ito bago ang aktwal na pagtatalik.
Ang pakikipag-usap tungkol sa seks kasama ang ka-sex bago ang pagtatalik ay nakabubuti upang mas mapasarap at mas maging ligtas ang pagtatalik[1] ayon sa mga tagapagturo ng seks.
Tingnan din
Mga sanggunian
Mga kawing na panlabas
Mga Kategorya:Mga gawaing seksuwal
Ang lathalaing ito na tungkol sa Seksuwalidad ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.