Ang Pagguguntingan o Tribadismo (Ingles: tribadism,[3]tribbing, scissoring position) ay isang uri ng posisyong pangpagtatalik at pakikipagtalik na hindi nagpapasok kung saan ang isang babae ay nagkakaskas ng kanyang puke sa katawan ng kanyang katalik para sa estimulasyong seksuwal. Maaari itong kasangkutan ng pagdirikit ng dalawang babae o ng isang babae na ikinikiskis ang kanyang puke sa hita, tiyan o puson, mga pigi ng puwit, bisig, o iba pang bahagi ng katawan ng kanyang katalik ngunit hindi kasama ang bibig.[1][4][5][6] Isang kasamu't sarian ng mga posisyong pampagtatalik ang naitala, kasama ang posisyong misyonero.[2] Ang katagang ito ay paminsan-minsang ginagamit upang tukuyin ang isang pamamaraan ng pagsasalsal kung saan ang isang babae ay hinahagod o ikinakadkad ang kanyang bulba sa isang bagay na hindi gumagalaw o walang buhay katulad ng isang mahaba at makitid na unan (isang bolster kung tawagin sa Ingles o dantayan o tandayang unan) upang makamit ang sukdulan. Kadalawang ginagagamit ang katawagan sa diwa ng pagtatalik na pangtomboy.
Mga sanggunian
↑ 1.01.1Bonnie Zimmerman (2000). Lesbian histories and cultures: an encyclopedia (Volume 1). Taylor & Francis. p. 862. 0815319207, 9780815319207.