Ang ligaw-biro[2] ay isang uri ng pakikipag-ugnayang pantao o panliligaw sa pagitan ng dalawang tao, na nagpapadama ng pagkakagustong sekswal o romantiko. Maaari itong ginagawa sa pakikipag-usap, galaw ng katawan o mga bahagi ng katawan, at maikling damping pisikal. Maaari rin itong nagmumula lamang sa isang tao o binibigyang-tugon o pinansin ng kapiling na tao.
Katumbas din ang ligaw-biro ng mga salitang landi, malandi, talipandas, kiri, kumiri, karengkeng, hitad, pandot, balitanda, talandi, alembong, garutay, harot, maharot, magatod, malantod, haliparot, handak, limbang (kapag lalaki), parak, malimbay, palikero (kung lalaki), kirimpot, kikay, gantay, "malikot", at "arte" (pagiging maarte).
Mga tanyag at kilala: Joey Marquez, Vic Sotto, Ramon Revilla Sr, John Estrada, Gerald Anderson, Gilbert Alpez.
Mailalarawan din ito bilang pagsalimbay, pagbibiro, paggawa o kumilos ng pabigla-bigla, paglalaro, o pakikipaglaro sa pag-ibig,[3][4] at pag-antig sa hangaring sekswal na walang seryosong pakay.[5]
↑Isinalin mula sa:"Would you take offense if I had the gall to plant a kiss on this beautiful shoulder?" at "You'll figure that out soon enough after the deed."
↑De Guzman, Maria Odulio (1968). "Flirtation, ligaw-biro". The New Filipino-English / English-Filipino Dictionary. National Bookstore (Lungsod ng Mandaluyong) ISBN9710817760., pahina 107.