Mga AklanonIsang pangkat ng mananayaw na sumasayaw sa pistang Ati-Atihan noong 2007 |
|
559,416[1] |
|
Pilipinas: Aklan Panay; Kalakhang Maynila, Mindanao, Romblon |
|
Aklanon/Malaynon/Akeanon, Hiligaynon, Kinaray-a, Tagalog, Ingles |
|
Nakakarami ang Romano Katoliko at minorya ang mga Protestante Pat iba pa |
|
Mga Pilipino (Ati, Karay-a, Capiznon, Hiligaynon, Romblomanon, Ratagnon, ibang mga Bisaya), mga Austronesyo |
Ang mga Aklanon o mga Akeanon ay ang pangkat-etnoligguwistiko na pangunahing naninirahan sa lalawigan ng Aklan sa Pilipinas. Bahagi sila ng mas malawak na pangkat-etnoligguwistikong Bisaya, na binubuo ng pinakamalaking pangkat-etnoligguwistiko sa Pilipinas..
Demograpiya
Nasa lalawigan Aklan sa Panay ang karamihan ng mga Aklanon. Matatagpuan din sila sa ibang lalawigan ng Panay tulad ng Iloilo, Antique, at Capiz, gayon din sa Romblon. Tulad ng ibang mga Bisaya, mayroon din populasyon sa Kalakhang Maynila, Mindanao, at kahit sa ibang bansa tulad ng Estados Unidos.
Bumibilang ang mga Aklanon sa 559,416 sa Pilipinas ayon sa senso noong 2010.[1] Kultural na malapit sila sa mga Karay-a at mga Hiligaynon. Nakikita ang pagkakatulad na ito sa kanilang mga kustombre, tradisyon, at wika.
Kalinangan
Namumuhay ang karamihan sa mga Aklanon sa agrikultura habang yaong mga malapit sa baybayin ay nangingisda. Gumagawa din sila ng mga gawang-kamay. Mayaman din sila sa musika, tulad ng mga awiting panliligaw o kundiman, himno sa kasal, at pagsalaysay sa mga burol. Pati rin sa sayaw, mayaman ang kanilang kalinangan.
Mga wika
Nagsasalita ang mga Aklanon ng mga wikang Aklan na kinabibilangan ng Aklanon at Malaynon. Sinasalita din ang mga wikang Ati at Kinaray-a. Pang-rehiyong wika naman ang Hiligaynon habang opisyal na wika naman ang Tagalog at Ingles na tinuturo sa paaralan.
Lutuin
Ang dalawang pangunahing lutuin na nakakabit sa mga Aklanon o sa lalawigan ng Aklan ay ang Inubaran[2] at Binakol.[3][4]
Mga sanggunian