Ang Linux Libertine ay isang digital na pamilya ng tipo ng titik na nilikha ng Libertine Open Fonts Project, na naglalayong makalikha ng malaya at bukas na alternatibo sa pamilya ng tipo ng titik na propretaryo tulad ng Times New Roman. Ginawa ito kasama ang malayang panggawa ng tipo ng titik na FontForge at ito ay nakalisensya sa ilalim ng GNU General Public License at SIL Open Font License.[1]
Gamit
Ang salitang marka ng Wikipedia na nasa maliit na kapital
Noong 2010, pinagtibay ang Linux Libertine bilang isang bukas na batayan na pamalit para sa Hoefler Text na pamilya na tipo ng titik sa muling pagdisenyo sa logo ng Wikipedia, na ginawang posible na gawing lokal ang identidad ng Wikipedia sa higit sa 250 wika at mga pangkat ng karakter.[2] Ang karakter na "W", na dating ginamit sa iba't ibang bahagi ng Wikipedia (tulad ng favicon) at naging isang "katangi-tanging bahagi ng tatak ng Wikipedia", ay sinanib sa glipong V sa orihinal na logo, habang ang Linux Libertine ay may isang pinagsamang hugis W na titik. Bilang isang solusyon, ang pinagsamang W ay dinagdag sa Linux Libertine bilang isang ibang uring OpenType.[3][4]
Ginagammit ang parehong pamilya ng tipo ng titik na Linux Libertine at Linux Biolinum ng bukas na batayang disenyong publikasyon na Libre Graphics Magazine.[5]