Ang Komisyon sa Halalan[1][2] (COMELEC, kilala rin bilang Komisyon ng Halalan; Inggles: Commission on Elections) ay isa sa tatlong Komisyong Konstitusyunal sa Pilipinas.[3] Ang COMELEC ang naatasang magpatupad ng mga batas panghalalan at magsagawa ng malinis, maayos, tahimik at malayang halalan.
Kabuuan
Ang Komisyon ay binubuo ng isang Tagapangulo at anim na mga Komisyonado. Ang mga kwalipikasyon ay ang mga sumusunod:
Katutubong inianak na mamamayan ng Pilipinas;
Tatlumpu't limang taong gulang sa panahon ng pagkakahirang sa kanila;
Naghahawak ng titulo sa kolehiyo; at
Hindi kailanman naging kandidato sa anumang katungkulang halal sa halalang kagyat na sinundan
Ang mayorya, kasama na ang Tagapangulo, ay dapat na mga kabilang sa Philippine Bar na nagpraktis bilang abogado sa loob ng sampung taon man lamang.[4]
Ang Tagapangulo at mga Komisyonado ay dapat hinihirang ng Pangulo sa pagsang-ayon ng Komisyon sa Paghihirang sa isang pitong taong taning ng panunungkulan na hindi muling mahihirang. Sa mga naunang nahirang, tatlong (3) kagawad ang manunungkulan sa loob ng pitong taon, dalawang kagawad sa limang taon at mga nalalabing kagawad sa tatlong taon na hindi na muling mahihirang. Ang paghirang ukol sa ano mang bakante ay dapat lamang na sa di-natapos na bahagi ng taning na panahon ng panunungkulan ng hahalinhan. Hindi dapat hirangin o italaga ang sinumang kagawad sa katayuang pansamantala.[5]
Kapangyarihan ng Komisyon sa Halalan
Ang Komisyon ay may kapangyarihan ng tulad ng sumusunod:[6]
Magpatupad at mamahala sa pagpapatupad ng lahat mga batas at regulasyon na kaugnay ng padaraos ng halalan, plebisito, initiatibo, reperendum at recall;
Gampanan ang eksklusibong orihinal na hurisdiksiyon sa lahat ng mga hidwaan tungkol sa mga halalan, mga kinalabasan, at katangian ng lahat ng halal na mga pinunong pangrehiyon, panlalawigan, at panglungsod;
Magpasya, magtangi doon sa mga may kinalaman sa karapatan sa pagboto, sa lahat ng mga suliranin tungkol sa mga halalan, kasama ang pagpapasya sa bilang at kinalabasan ng mga botohan , paghirang ng mga pinuno at mga inspektor ng halalan, at pagrerehisto ng mga botante;
Magsugo,sa pagsang-ayon ng Pangulo, sa mga sangay at kasangkapang taga-pagpatupad ng batas ng Pamahalaan, kasama ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas, ukol sa tanging layuning matiyak ang malaya, maayos, malinis, mapayapa at kapani-paniwalang halalan;
Irehistro, pagkaraan ng sapat na paglalathala, ng mga partido, mga organisasyon,o mga koalisyong pampolitika na bukod sa iba pang mga katangian, ay kinakailangang magharap ng kanilang plataporma o programa ng pamahalaan, at kilalanin ang mga lingkod-bayan ng Komisyon sa Halalan;
Batay sa beripikadong sumbong o sa pagkukusa nito, magharap ng mga petisyon sa hukuman ukol sa pagdarakip o pagwawaksi ng mga botante sa rehistro ng mga kwalipikadong botante, sisiyasatin at usigin ang paglabag sa mga batas sa halalan;
Itagubilin sa Kongreso ang mga mabisang hakabangin upang mapaliit ang gastos sa halalan, ang pagtatakda ng lugar na paglalagyan ng mga kagamitan sa propaganda, mapigil at maparusahan ang lahat ng uri ng pandaraya, mga pagkakasala at masasamang gawain sa halalan;
Itagubilin sa Pangulo ang pag-aalis sa sinumang pinuno o kawani na isinugo nito o pagpapataw ng anumang iba pang aksiyong disiplinaryo, dahil sa paglabag o pagwawalang-bahala , o pagsuway sa mga tagubilin, utos , o pasya nito, at;
Iharap sa Pangulo at sa Kongreso ang komprehensibong ulat tungkol sa pamalakad ng bawat halalan, plebisito, initiative, reperendum, o recall.
Ang Komisyon ay may kapangyarihang magpasya en banc o sa dalawang dibisyon. Dapat ding maglagda ng mga alituntunin ng pamamaraan nito upang mapadali ang pagpapasya sa mga kaso na may kaugnayan sa halalan kabilang ang mga hidwan bago iproklama ang nanalo.
Ang alin mang patawad, amnestiya, o suspensiyon ng kaparusahan sa paglabag sa mga batas , tuntunin, at mga alituntunin ng halalan ay hindi dapat ipagkaloob ng Pangulo nang walang pagsang-ayon ng Komisyon.
Mga Kagawaran ng Komisyon
Ang punong tanggapan ng Komisyon sa Intramuros, Maynila ay binubuo ng siyam na kagawaran:
Kagawaran ng Batas (Law Department)
Eleksiyon at Gawaing Pambarangay
Protestang Elektoral at Adhudikasyon
Kagawaran ng Edukasyon at Kabatiran (Eduacation and Information Department)
Talaan ng Eleksiyon at Estadistika
Gawaing Administratibo
Gawaing Pananalapi
Pantauhan (Personnel)
Pagpaplano (Planning Department)
Kasaysayan
Bago naitatag ang Komisyon, ang mga halalan sa Pilipinas ay pinamamahalaanan ng mga Kalihim ng Interyor na may malawak na kapangyarihan at karapatang pigilin o alisin sa tungkulin, sa pahintulot ng Pangulo ng Pilipinas, ang sino mang inaakalang hindi kanais-nais na opisyal sa pamahalaan. Ang hukuman ang dumidinig sa mga suliraning kaugnay sa karapatan sa pagboto at protesta ng mga kandidatong talunan. Ang Komisyong Elektoral na binubuo ng tatlong (3) Mahistrado ng Kataas-taasang Hukuman at anim (6) na kasapi ng Pambansang Asembleya (National Assembly) ang siyang dumirinig at humahatol sa mga protesta ng mga kaanib nito.
Subali't sumapit ang sandaling nagkaroon ng hinalang ang halalan ay ginagamit na kasangkapan ng mga Kalihim Panloob upang pagbigyan ang partido pampolitika ng Pangulo na kanila ring kinaaaniban. Ang malapit na ugnayang namamagitan sa Pangulo at Kalihim Panloob ang hinihinalang sanhi ng kalimita'y hindi malinis na halalang nagaganap. Upang maiwasan ang ganitong pangyayari, ang Pambansang Asembleya ay nagpasyang susugan ang Saligang Batas (ng 1935) at bumubuo ng isang Komisyon sa Halalan na papalit sa gawain ng Kalihim Panloob. Pinagtibay ng Pambansang Asembleya sa bisa ng resolusyon Bilang 73 noong 11 Abril 1940 ang tatlong susog sa probisyon ng Saligang Batas (ng 1935) na:
Payagan ang re-eleksiyon ng Pangulo;
Magtatag ng sistemang bikameral na lehislatura na bubuhay sa Senado; at
Lumikha ng nagsasariling Komisyon sa Halalan.
Ang mga susog na ito sa Saligang Batas ay niratipikahan ng mamamayan ng magdaos ng plebisito noong 17 Hunyo 1940 na isinumite sa Pangulong Franklin Delano Roosevelt upang pagpasyahan. Sa dahilang hindi pa nagkakabisa ang mga pagbabagong nabanggit, ipinasa ng Pambansang Asembleya ang Batas Komonwelt Bilang 607 nagtatag ng isang Komisyon sa Halalan na mamamahala sa halalang idadaos sa 10 Disyembre 1940. Samantala, ang mga susog sa Saligang Batas ay ganap na nagkabisa noong 2 Disyembre 1940 matapos itong sang-ayunan ng Pangulo ng Estados Unidos.
Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagkaroon ng reorganisasyon ang Komisyon noong 22 Hunyo 1941 at sa bisa ng Batas Komonwelt Bilang 657, mula sa pagiging batas ay naging ganap na katauhang Konstitusyonal ang Komiyon. Itinakda ng 1935 Saligang Batas, na sinusugan, na manunungkulan ang Tagapangulo nito ay manunungkulan ng siyam (9) na taon, ang unang kagawad ay anim (6) na taon at ang pangalawang kagawad ay tatlong (3)taon. Sila ay maari lamang maalis sa kanilang tungkulin sa pamamagitan ng impeachment. Sila ay tatanggap ng sahod ma hindi maaring dagdagan o bawasan sa panahon ng panunungkulan, mamamahala at magpapatupad ng mga batas panghalalan at may kapangyarihang humatol sa mga suliraning may kinalaman sa halalan maliban sa karapatan sa pagboto na tanging mga hukuman lamang ang may kapangyarihang humatol.
Galeriya Ng Mga Tagapangulo
Leonardo Perez nagsilbi: Mayo 29, 1973 hanggang Mayo 17, 1980
10 Hunyo 1969 – 28 Mayo 1973 16 Hunyo 1969 – 31 Mayo 1973 06 Setyembre 1971 – 17 Mayo 1976
1973
Leonardo B. Perez Jose M. Mendoza Venancio S. Duque Flores A. Bayot Venancio L. Yaneza Casimiro R. Madarang,Jr. Fernando R. Veloso Liningding Pangandaman [1]
29 Mayo 1973 – 17 Mayo 1980 06 Setyembre 1971 – 17 Mayo 1976 01 Hunyo 1973 – 17 Mayo 1980 30 Mayo 1973 – 17 Mayo 1980 30 Mayo 1973 – 17 Mayo 1978 30 Mayo 1973 – 17 Mayo 1978 30 Mayo 1973 – 17 Mayo 1978 30 Mayo 1973 – 15 Nobyembre 1973
1974
Leonardo B. Perez Jose M. Mendoza Venancio S. Duque Flores A. Bayot Venancio L. Yaneza Casimiro R. Madarang,Jr. Fernando R. Veloso Hashim R. Abubakar
29 Mayo 1973 – 17 Mayo 1980 06 Setyembre 1971 – 17 Mayo 1976 01 Hunyo 1973 – 17 Mayo 1980 30 Mayo 1973 – 17 Mayo 1980 30 Mayo 1973 – 17 Mayo 1978 30 Mayo 1973 – 17 Mayo 1978 30 Mayo 1973 – 17 Mayo 1976 25 Hulyo 1974 – 17 Mayo 1976
1976
Leonardo B. Perez Venancio S. Duque Flores A. Bayot Venancio L. Yaneza Casimiro R. Madarang,Jr.
29 Mayo 1973 – 17 Mayo 1980 01 Hunyo 1973 – 17 Mayo 1980 30 Mayo 1973 – 17 Mayo 1980 18 Mayo 1978 – 17 Mayo 1983 17 Mayo 1978 – 17 Mayo 1980 17 Mayo 1980 – 20 Mayo 1985
1980
Vicente M. Santiago, Jr. Domingo C. Pabalate Victorino A. Savellano Jaime C. Opinion Noli M. Sagadraca Romeo N. Firme. Ide C. Tillah Luis L. Lardizabal
17 Mayo 1980 – 17 Mayo 1985 17 Mayo 1980 – 20 Mayo 1985 17 Mayo 1980 – 1 Abril 1986 17 Mayo 1980 – 17 Mayo 1985 17 Mayo 1980 – 17 Mayo 1983 17 Mayo 1980 – 17 Mayo 1983 17 Mayo 1980 – 17 Mayo 1983
1983
Vicente M. Santiago, Jr. Domingo C. Pabalate Victorino A. Savellano Jaime C. Opinion Noli M. Sagadraca
17 Mayo 1980 – 17 Mayo 1985 17 Mayo 1980 – 20 Mayo 1985 17 Mayo 1980 – 20 Mayo 1985 17 Mayo 1980 – 01 Abril 1986 17 Mayo 1980 – 17 Mayo 1985 21 Marso 1984 – 31 Agosto 1986 21 Marso 1984-Abr.11,1986
1985
Victorino A. Savellano Jaime C. Opinion Froilan M. Bacungan Ramon H. Felipe , Jr. Mario D. Ortiz Quirino A. Marquinez Mangontawar B. Guro
20 Mayo 1985 – 24 Marso 1986 17 Mayo 1980 – 01 Abril 1986 21 Marso 1984 – 31 Agosto 1986 21 Marso 1984-Abr.11,1986 30 Hulyo 1985 – 23 Hulyo 1986 1 Agosto 1985 – 23 Hulyo 1986 30 Hulyo 1985 – 11 Abril 1986
Victorino A. Savellano Jaime C. Opinion Froilan M. Bacungan Ramon H. Felipe, Jr. Mario D. Ortiz Quirino A. Marquinez Mangontawar B. Guro Ruben Agpalo Jaime J. Layosa
Ramon H. Felipe, Jr. Froilan M. Bacungan Leopoldo L. Africa Haydee B. Yorac [4] Anacleto D. Badoy, Jr. Andres R. Flores Dario C. Rama Tomas V. dela Cruz
Ramon H. Felipe , Jr. Leopoldo L. Africa Haydee B. Yorac Anacleto D. Badoy, Jr. Andres R. Flores Dario C. Rama Tomas V. dela Cruz Alfredo E. Abueg, Jr.
1. ^ Si Lininding Pangandaman ang kauna-unahang Muslim na nahirang bilang Komisyonado ng Komisyon sa Halalan.
2. ^ Ang mga bumubuo ng Komisyon bago naganap ang Rebolusyong Lakas Sambayanan sa EDSA
3. ^ Ang mga bumubuo ng Komisyon bago naganap ang Rebolusyong Lakas Sambayanan sa EDSA
4. ^ Si Haydee B. Yorac ay ang kauna-unahang babaeng nahirang na Komisyonado ng Komisyon.
5. ^ Si Ramon H. Felipe ay gumanap na Tagapangulo ng Komisyon mula 11 Abril 1986 hanggang sa siya'y hirangin ni Pangulong Corazon C. Aquino bilang ganap na Tagapangulo noong 23 Hulyo 1986.
6. ^ Nang si Davide ay hirangin ni Pangulong Aquino bilang Tagapangulo ng Fact Finding Commission na naatasang magsiyasat sa kudeta noong 1989, si Yorac ang gumanap na tagpanhulo ng Komisyon hanggang ang bagong Tagapangulo Christian S. Monsod at mapili noong 1991.
Mga Halalang Pinangasiwaan ng Comelec
Pampanguluhan (Presidential)
Petsa
Deskripsiyon
Resulta
10 Disyembre 1941
Unang halalan sa pagka-Pangulo, Pangalawang Pangulo, mga Senador at kasapi ng Kapulungan ng mga Kinatawan na pinangasiwaan ng Komisyon sa bisa ng Batas Komonwelt Bilang 666.
1. ^ Batay sa Batas Republika Bilang 725, gaganapin tuwing ikalawang Martes sa buwan ng Nobyembre kada apat na taon ang halalan sa pagka-Pangulo, Pangalawang Pangulo, mga Kinatawan sa Kongreso at mga lokal na posisyon, at kada dalawang taon naman sa mga Senador.
2. ^ Ang tanggapan ng Pangalawang Pangulo ay inalis sa Saligang Batas ng 1973 ngunit ito ay ibinalik ng susugan ang Saligang Batas noong 1984
3. ^ Si Ferdinand Marcos ang opisyal na ipinoroklama ng Batasang Pambansa na nagwagi sa halalang Snap ngunit ito ay pinawalang-bisa ng EDSA People Power Revolution na nagpabagsak sa pamahalaang Marcos noong 25 Pebrero 1986. Ayon sa bilang ng NAMFREL, si Corazon Aquino diumano ang tunay na nagwagi sa halalan.
Kongresyonal (Congressional)
Petsa
Deskripsiyon
10 Disyembre 1941
Unang halalang sa pagka-Pangulo, Pangalawang Pangulo, mga Senador at kasapi ng Kapulungan ng mga Kinatawan na pinangasiwaan ng Komisyon sa bisa ng Batas Komonwelth Bilang 666.
23 Abril 1946
Halalan sa pagka-Pangulo, Pangalawang Pangulo, labing-anim (16) na Senador at mga kasapi ng Kapulungan ng mga Kinatawan, sa bisa ng Batas Komonwelt Bilang 725.
11 Marso 1947
Espesyal na halalan sa pagka-Kinatawan sa ikaunang distrito kongresyonal ng Iloilo, ikalimang distrito kongresyonal ng Pangasinan, at sa nag-iisang distrito kongresyonal ng Bukidnon.
11 Nobyembre 1947
Halalan sa walong (8) Senador Espesyal na halalan sa pagka-Kinatawan ng ika-6 na distrito kongresyonal ng Cebu (sa bisa ng Proklamasyon Bilang II 33).
23 Marso 1948
espesyal na halalan sa pagka-Kinatawan ng ika-4 na distrito kongresyonal ng Iloilo at ikaunang distrito kongresyonal ng Leyte (sa bisa ng Batas Republika Bilang 25).
Halalan sa pagka-Pangulo, Pangalawang Pangulo, mga Senador at mga kasapi ng Kapulungan ng mga Kinatawan.
13 Nobyembre 1951
Halalan sa walong (8) Senador at mga lokal na posisyon sa mga lalawigan, lungsod, at bayan.
10 Nobyembre 1953
Halalan sa pagka-Pangulo, Pangalawang Pangulo, walong (8) Senador at 102 kasapi ng Kapulungan ng mga Kinatawan.
8 Nobyembre 1955
Halalan sa walong (8) Senador at mga lokal na posisyon sa mga lalawigan, lungsod, at bayan. Espesyal na halalan sa pagka-Senador upang punan ang posisyong iniwan ni Carlos P. Garcia na nahalal na Pangalawang Pangulo noong 1953 Espesyal na halalan sa pagka-Kinatawan ng ikaunang distrito kongresyonal ng Albay, at ikaunang distrito kongresyonal ng Samar (sa bisa ng Proklamasyon Bilang 178 [10 Agosto 1955]).
12 Nobyembre 1957
Halalan sa pagka-Pangulo, Pangalawang Pangulo, walong (8) Senador at 102 kasapi ng Kapulungan ng mga Kinatawan.
10 Nobyembre 1959
Halalan sa walong (8) Senador at mga lokal na posisyon sa mga lalawigan, lungsod, at bayan.
14 Nobyembre 1961
Halalan sa pagka-Pangulo, Pangalawang Pangulo, walong (8) Senador at 104 kasapi ng Kapulungan ng mga Kinatawan.
12 Nobyembre 1963
Halalan sa walong (8) Senador at mga lokal na posisyon sa mga lalawigan, lungsod, at bayan. Espesyal na halalan sa pagka-Kinatawan sa ikaunang distrito kongresyonal ng Batangas (upang punan ang iniwang posisyon ng yumaong Apolinario Apacible) at ikaunang distrito kongresyonal ng Negros Occidental (upang punan ang posisyong iniwan ng yumaong Vicente Gustillo, Sr.)[sa bisa ng Proklamasyon Bilang 154 at 150].
9 Nobyembre 1965
Halalan sa pagka-Pangulo, Pangalawang Pangulo, walong (8) Senador at 104 kasapi ng Kapulungan ng mga Kinatawan.
14 Nobyembre 1967
Halalan sa walong (8) Senador at mga lokal na posisyon sa mga lalawigan, lungsod, at bayan. Espesyal na halalan sa pagka-Kinatawan sa: unang distrito ng Ilocos Norte; at tig-iisang distrito ng Davao del Sur, Davao Oriental, Northern Samar at South Cotabato.
11 Nobyembre 1969
Halalan sa pagka-Pangulo, Pangalawang Pangulo, walong (8) Senador at mga kasapi ng Kapulungan ng mga Kinatawan.
8 Nobyembre 1971
Halalan sa walong (8) Senador at mga lokal na posisyon sa mga lalawigan, lungsod, at bayan.
11 Mayo 1987
Halalan sa dalawampu't-apat na (24) Senador at mga Kinatawan sa Kongreso Sa halalang ito, 22 Senador ang nahalal mula sa koalisyon ni Pangulong Corazon Aquino at dalawa mula sa oposisyong Grand Alliance for Democracy, sina Juan Ponce Enrile at Joseph Estrada.
11 Mayo 1992
Halalan sa pagka-Pangulo, Pangalawang-Pangulo, dalawampu't-apat na (24) na Senador, mga Kinatawan sa Kongreso at mga lokal na posisyon.
7 Marso 1994
Espesyal na halalan sa pagka-Kinatawan ng unang distrito ng Rizal
8 Mayo 1995
Halalan sa labindalawang (12) Senador, mga Kinatawan sa Kongreso, at mga lokal na posisyon.
11 Mayo 1998
Halalan sa pagka-Pangulo, Pangalawang-Pangulo, (12) na Senador, mga Kinatawan at mga lokal na posisyon.
14 Mayo 2001
Halalan sa labindalawang (12) Senador, mga Kinatawan sa Kongreso, at mga lokal na posisyon. Espesyal na halalan para sa posisyong iniwan ni Teofisto Guingona, Jr na hinirang ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo bilang Pangalawang Pangulo noong Pebrero 2001.
10 Mayo 2004
Halalan sa pagka-Pangulo, Pangalawang-Pangulo, (12) na Senador, mga Kinatawan at mga lokal na posisyon.
14 Mayo 2007
Halalan sa labindalawang (12) Senador, mga Kinatawan sa Kongreso, at mga lokal na posisyon.
10 Mayo 2010
Halalan sa pagka-Pangulo, Pangalawang-Pangulo, (12) na Senador, mga Kinatawan at mga lokal na posisyon.
13 Mayo 2013
Halalan sa labindalawang (12) Senador, mga Kinatawan sa Kongreso, at mga lokal na posisyon.
9 Mayo 2016
Halalan sa pagka-Pangulo, Pangalawang-Pangulo, (12) na Senador, mga Kinatawan at mga lokal na posisyon.
Mga Plebisito at Reperenda
Halalan sa Batasang Pambansa
Petsa
Deskripsiyon
7 Abril 1978
Halalan sa pagka-Kagawad sa Pansamantalang Batasang Pambansa (sa Rehiyon) Rehiyon I - 14 Rehiyon II - 8 Rehiyon III - 16 Rehiyon IV - 21 Rehiyon IV-A (Kalakhang Maynila) - 20 Rehiyon V - 12 Rehiyon VI - 16 Rehiyon VII - 13 Rehiyon VIII - 10 Rehiyon IX - 8 Rehiyon X- 9 Rehiyon XI - 10 Rehiyon XII -8
27 Abril 1978
Halalan ng 14 na Sektoral na kinatawan sa Pansamantalang Batasang Pambansa.