Ang pangalan ng pamayanan ay hango sa salitang Even na nangangahulugang "maliit na bangin" o "bangin".
Kasaysayan
Itinayo ang Kadykchan ng mga bilanggo ng gulag noong panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig para sa layuning pagkuha ng karbon. Paglaon tinirhan ito ng mga minero mula sa dalawang mga minahan ng karbon[5] na nagtustos sa planta ng kuryente ng Arkagalinskaya. Nasa 400 metro (1,300 talampakan) ang lalim ng mga minahan.
Pagkaraan ng pagbuwag ng Unyong Sobyet noong 1991, nawawalan ng pakinabang ang pagmimina ng ginto sa lugar. Nagsara ang isang minahan noong 1992, at ang pagsabog sa isa pang minahan na ikinasawi ng anim na katao noong 1996 ang nagbigay-daan sa pasya na ipasara ang nalalabing mga minahan at para sa pamahalaan na magbigay ng tulong sa mga residente na lisanin ang bayan.[5] Pinasabog ang mga pangunahing gusali.[5] Magmula noong 2010, opisyal nang walang nananahan ang Kadykchan,[2] ngunit iniulat ng mga manlalakbay na may isa hanggang dalawang matatag na residente na nakatira pa rin sa itiniwangwang na bayan noong 2012.
↑ 1.01.1Registry of the Administrative-Territorial Units of Magadan Oblast
↑ 2.02.12.2Russian Federal State Statistics Service (2011). "Всероссийская перепись населения 2010 года. Том 1" [2010 All-Russian Population Census, vol. 1]. Всероссийская перепись населения 2010 года [2010 All-Russia Population Census] (sa wikang Ruso). Russian Federal State Statistics Service. {{cite web}}: Invalid |ref=harv (tulong)
↑"Об исчислении времени". Официальный интернет-портал правовой информации (sa wikang Ruso). 3 Hunyo 2011. Nakuha noong 19 Enero 2019.
↑Почта России. Информационно-вычислительный центр ОАСУ РПО. (Russian Post). Поиск объектов почтовой связи (Postal Objects Search) (sa Ruso)