Itinatag ang Magadan noong 1930 sa lambak ng Ilog Magadan,[3] malapit sa pamayanan ng Nagayevo. Noong panahon ni Joseph Stalin, ang lungsod ay isang pangunahing sentro ng paghahatid ng mga bilanggo sa mga kampong paggawa. Mula 1932 hanggang 1953, ito ay sentrong pampangasiwaan ng organisasyong Dalstroy—isang malawak at malupit na sapilitang paggawa na pamamahala sa pagmimina ng ginto at sistemang kampo ng sapilitang paggawa. Naglaon, nagsilbing pantalan ang lungsod para sa pagluwas ng ginto at iba pang mga metal na minina sa rehiyong Kolyma.[16] Mabilisang lumago ang lungsod nang pinaunlad nang husto ang mga pasilidad para sa lumalawak na mga gawaing pagmina sa lugar. Ginawaran ito ng katayuang panlungsod noong ika-14 ng Hulyo, 1939.
Paggawa ng barko at pangingisda ay mga pangunahing industriya ng lungsod. May pantalang pandagat ito, na mararaanan nang lubos mula Mayo hanggang Disyembre, at isang maliit na paliparang pandaigdig, ang Paliparan ng Sokol. May isang maliit na paliparang panloob na malapit dito, Paliparan ng Magadan-13. Ang baku-bakong Lansangang Kolyma ay tumutungo mula Magadan papunta sa mayamang rehiyon na nagmimina ng ginto ng itaas na Ilog Kolyma, at pagkatapos ay patungong Yakutsk.
Lubhang napakaliblib ang Magadan. Ang pinakamalapit na pangunahing lungsod na mararaanan ay Yakutsk, 2,000 kilometro (1,200 milya) ang layo sa pamamagitan ng hindi sementadong Lansangang Kolyma na mas-mainam na gamitin sa taglamig, lalo na dahil sa walang tulay sa ibabaw ng Ilog Lena sa Yakutsk. (Ang dalawang pagpipilian ay: ferry mula Nizhny Bestyakh tuwing tag-init, kung kailang may mga bahagi ng lansangan na hindi madaraanan dahil sa naimbak na tubig, o sa ibabaw ng yelo sa kalagitnaan ng taglamig).
Ang mga pangunahing pinagkukunan ng kita para sa lokal na ekonomiya ay pagmimina ng ginto at mga palaisdaan. Kamakailan, bumaba ang produksiyon ng ginto.[18] Ang produksiyon sa pangingisda, bagamat bumubuti taun-taon, ay mababa pa sa nakalaang kota, tila na bunga ng tumatandang plota.[19] Kasama sa ibang mga lokal na industriya ang mga planta ng pasta at longganisa at isang alakan.[20] Bagamat mahirap ang pagsasaka dahil sa mabangis na klima, mayroon pa ring mga pampubliko at pampribado na negosyong pagsasaka.
Demograpiya
Historical population
Taon
Pop.
±%
1939
27,313
—
1959
62,225
+127.8%
1970
92,105
+48.0%
1979
121,250
+31.6%
1989
151,652
+25.1%
2002
99,399
−34.5%
2010
95,982
−3.4%
Senso 2010: [9]; Senso 2002: [21]; Senso 1989: [22]
Klima
Subartiko (Köppen climate classificationDfc) ang klima ng Magadan. Napakahaba at napakaginaw ang mga taglamig, na may hanggang sa anim na buwan ng sub-sero na mataas na temperatura, kaya nananatiling nagyeyelo ang lupa. Sumasaklaw sa karamihan ng rehiyon ang mayelong lupain at tundra. Ang panahon ng pagtubo ng mga halaman ay nasa isandaang araw lamang.
Ang karaniwang temperatura sa baybayin sa Dagat ng Okhotsk ay mula −22 °C (−8 °F) sa Enero hanggang +12 °C (54 °F) sa Hulyo. Ang karaniwang temperatura sa looban ay mula −38 °C (−36 °F) sa Enero hanggang +16 °C (61 °F) sa Hulyo.
↑ 9.09.1Russian Federal State Statistics Service (2011). "Всероссийская перепись населения 2010 года. Том 1" [2010 All-Russian Population Census, vol. 1]. Всероссийская перепись населения 2010 года [2010 All-Russia Population Census] (sa wikang Ruso). Russian Federal State Statistics Service. {{cite web}}: Invalid |ref=harv (tulong)
Магаданская городская Дума. Решение №49-Д от 1 июля 1999 г. «О установлении общегородского праздника "День города Магадана"». (Magadan Town Duma. Decision #49-D of July 1, 1999 On Establishing Town Holiday "Day of the Town of Magadan". ).
David J. Nordlander: Origins of a Gulag Capital: Magadan and Stalinist Control in the Early 1930s, Slavic Review, Vol. 57, No. 4 (Winter, 1998), pp. 791–812
Mga kawing panlabas
May kaugnay na midya tungkol sa Magadan ang Wikimedia Commons.
Б. П. Важенин (B. P. Vazhenin). "Магадан: к историческим истокам названия" (Magadan: The Historical Sources of Its Name). Российская академия наук, Дальневосточное отделение. Магадан, 2003.