Si Gaia ( // or //; mula sa Sinaunang Griyegong Γαῖα "lupain" o "mundo;" gayundin ang Gæa, Gaea, o Gea;[1] Koine Greek: Γῆ) ay ang Protogenoi o primordiyal na diyos ng Mundo sa sinaunang relihiyong Griyego. Si Gaia ang magiting na ina ng lahat: ang mga makalangit na mga diyos at mga Titano ay nagmula sa kanya dahil sa kanyang pakikipagniig kay Uranus (ang kalangitan); ang mga diyos ng dagat mula sa kanya dahil sa kanyang pakikipagtalik kay Pontus (ang dagat); ang mga Higante mula sa kanyang pakikipagtalik kay Tartarus (ang hukay ng impiyerno); at ang mga nilalang na mortal na nagmula sa kanyang kalamnang lupa. Ang pinakamaagang pagtukoy sa kanya ay ang Griyegong Misenaeano (Linear B) na ma-ka (transliterasyon: ma-ga), "Inang Gaia."[2]
Ang katumbas niya sa panteong Roman ay si Terra.
Mga sanggunian
- ↑ Ang pagbabaybay na Gea ay pangkaraniwang hindi ginagamit sa makabagong Ingles.
- ↑ Palaeolexicon, Kasangkapan sa pag-aaral ng salita ng sinaunang mga wika