Bilang diyos ng alak, nagagawa niyang maging masiyahin ang tao sa pamamagitan ng pag-aalok at pagpapainom ng alak. Ngunit nagagawa niya ring mabangis ang tao dahil sa pagkalasing. Dahil sa kanyang mga inumin, nabibigyan niya ng tapang ang tao, gayundin ng kakayahang makagawa ng nakatatakot na mga bagay. Iniaalay ang ilan sa mga sinaunang drama para sa kanya, dahil nakapagbibigay din siya sa tao ng malikhaing inspirasyon.[3]
Pagbabago ng tubig sa alak
Ayon kay Pausanias vi.26.1, sa pista ni Dionysus nang siya ay nasa Ellis, ang mga saserdote ay naglagay ng tatlong sisidlan na pinagmamasdan ng mga testigo. Sa kinaumagahan nang buksan ang pinto at pumasok ang mga tao, ang mga sisidlan ay puno na ng alak. Ayon kay Pliny ang Nakatatanda XXXI.16 at Pausanias XXVI.26.2, sa pulo ng Dagat Egeo ng Andros sa isang pista sa isang bukalan ng santwaryo ni Dionysus, ang alak ay dumaloy sa halip na tubig at kapag ang mga sampol nito ay kinuha sa santwaryo, ito ay nagiging tubig. Naxos, ang alak ay dumaloy mula sa isang bukal na isang milagro na nangyari nang ikasal si Dionysus kay Ariadne.[4]. Inulat ni Ovid na si Liber na Romanong Dionysus ay nagbigay sa anak na babae ng haring Delio na si Anius ng kapangyarihan na gawin ang anumang inumin na maging isang alak(Metamorphōsēs XIII.65). Sinalaysay naman ni Plutarch ang kwento nang ang isang bukal sa Thebes ay nag-amoy alak nang ipinangak si Dionysus at pinaliguan rito. Sa Ang Bacchae, hinampas ng isang maenad(tagasunod ni Dionysus) ang lupa ng kanyang thyrsus at ang diyos na si Dionysus sa sandaling iyon ay nagpadaloy ng alak.
Pinaniniwalaan ng mga iskolar na ito ang pinagkunan ng kwento ng pagbabago ni Hesus ng tubig sa alak sa Ebanghelyo ni Juan upang ipakitang si Hesus ay mas dakila kay Dionysus.
Pagbuhay sa kanyang inang Semele mula sa patay
Ayon kay Diodorus Siculus(90-30 BCE) sa kanyang History IV.25.4, si Dionysus ay tumungo sa Hades upang buhaying muli ang kanyang inang si Semele na naging imortal kagaya ni Dionysus.
Kulto ni Dionysus
Ang kulto ni Dionysus ay nagmula pa sa Gresyang Myceneo(1750 BCE-1050 BCE) dahil ang kanyang pangalan ay natuklasan sa MyceneanLinear B tablets as 𐀇𐀺𐀝𐀰, di-wo-nu-so.[5][6][7] Si Dionysus ay karaniwang makikitang nakasakay sa isang leopardo suot ang balat nito o sa isang karrong hila ng mga panther sa mitolohiya at makikila rin sa thyrus na kanyang dala dala. Bukod sa ubasan at halamang nakakalasong ivy, ang punong igos ay isa rin niyang simbolo.
Dionysia
Ang Dionysia (/daɪəˈnaɪsiə/) (Griyego: Διονύσια) ay isang malaking pisa sa sinaunang Athens bilang parangal sa Diyos na si Dionysos
na binbuo ng mga pagtatanghal sa teatro ng mga trahedyang dramatiko at mula 487 BCE ay mga komedya. Ito ay mahalagang bahagi rin ng Mga Misteryong Dionysio.
↑Kleiner, Fred S. at Christin J. Mamiya (2005). "Dionysos, Bacchus". Gardner's Art Through the Ages, ika-12 edisyon. Wadsworth/Thomson Learning, Kaliporniya, ISBN0155050907., pahina 107.