Sa Iliada ni Homero, kumampi siya sa mga Troyano. Siya rin ang ama ng magkapatid na kambal na mga lalaking sina Romulus at Remus, na mga tagapagtatag ng Roma.[1]
Paglalarawan
Bilang diyos ng digmaan, agad-agad siyang napupukaw papunta sa pook ng nagaganap na mga pagkikipagdigma. Kabilang sa katangian niya ang pagiging kaaya-aya at malakas na lalaki, subalit lagi siyang handang pumaslang. Kinatatakutan ng lahat ng mga Griyego ang galit ni Ares.[2]
Kabilang sa kanyang kasuotan ang makintab na kalubkob o helmet na may mga nakapatong na pluma o balahibo ng mga ibon. Mayroon din siyang isang katad na baluti sa nasa kanyang bisig o baraso. Hawak niya ang isang sibat na yari sa pulang tanso.[2]
↑ 1.01.11.2Kleiner, Fred S. at Christin J. Mamiya (2005). "Ares, Mars". Gardner's Art Through the Ages, ika-12 edisyon. Wadsworth/Thomson Learning, Kaliporniya, ISBN0155050907., pahina 107.