Styx

Ang Styx (Sinaunang Griyego: Στύξ, na nangangahulugang "poot" at "pagkamuhi") (anyong pampang-uri sa Ingles: Stygian, play /ˈstɪiən/) ay isang ilog sa mitolohiyang Griyego na bumubuo sa hangganan sa pagitan ng Mundo at ng Mundong Ilalim (na madalas tawagin bilang Hades na pangalan din ng pinuno ng dominyong ito). Ang mga ilog na Styx, Phlegethon, Acheron, at Cocytus ay nagsasalubong sa gitna ng mundong ilalim sa ibabaw ng isang malaking lati, na sa kung minsan ay tinatawag din bilang Styx. Ang mga mahahalagang mga ilog ng mundong ilalim ay ang Lethe, Eridanos, at Alpheus.

Ang isa pang pagbabaybay na Stix ay paminsan-minsang ginagamit sa mga salinwika ng Griyegong Klasiko bago ang ika-20 daantaon.[1] Sa pamamagitan ng pagpapalit-saklaw, ang pang-uring stygiano (na stygian sa Ingles) ay naging tumutukoy sa anumang madilim, mapanglaw, malungkot, mahapis, at malumbay.

Mga sanggunian

  1. Iliad(1-3), Homer; H. Travers, 1740

HeograpiyaMitolohiya Ang lathalaing ito na tungkol sa Heograpiya at Mitolohiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.