Nasa pagmamay-ari ang istasyong ito ng Nation Broadcasting Corporation at lisensyado sa San Pablo, Laguna dati. Itinatag ito noong 1982 bilang MRS 94.3 na may Adult Contemporary format. Noong 1998, pagkatapos nung bumili ng MediaQuest Holdings ang NBC, nag-rebrand ang istasyon bilang Lovely @ Rhythms 94.3 na may Top 40 na format. Noong 2005, inalis sa branding nito ang "Rhythms". Noong 2008, naging relay station ito ng 92.3 FM na nakabase sa Maynila hanggang Hunyo 2012, nang mawala ito sa ere.[1][2]
Noong huling bahagi ng 2022, binili ng Philippine Collective Media Corporation ang istasyong ito. Bumalik ito sa ere noong Mayo 2023 sa ilalim ng FMR Network.[3]