Ang DZAT (1512 AM) Life Radio ay isang himpilan ng radyo na pagmamay-ari at pinamamahalaan ng End-Time Mission Broadcasting Service, isang pakay ng Pentecostal Missionary Church of Christ (4th Watch). Ang estudyo at transmiter nito ay matatagpuan sa Purok Rosal, Brgy. Silangang Mayao, Lucena.[1][2]
Mga pangyayari
Noong Mayo 17, 2003, bandang alas-5:30 ng hapon, pinatay ng dalawang hindi kilalang naka-motor ang isang personalidad ng himpilang ito na si Bert Sison habang kasama niya ang dalawa niyang anak sa Sariaya.[3]