Ang DWNG (97.5 FM), mas kilala bilang 97.5 Gospel Radio, ay isang istasyon ng radyo na pagmamay-ari ng Southern Tagalog Sweet Life at pinamamahalaan ng North Philippine Union Conference division. Ang mga studio at transmitter nito ay matatagpuan sa Brgy. Cabatang, Tiaong.[1][2]
Kasaysayan
Itinatag ang istasyong ito noong Enero 5, 1997 bilang Big Sound FM sa ilalim ng pagmamay-ari ng Vanguard Radio Network. Noong Setyembre 14, 2014, nawala ito sa ere. Isang buwang makalipas, binili ng Southern Tagalog Sweet Life ang isyasyong ito. [3]
Noong Setyembre 22, 2014, bumalik sa ere ang Radio City (na dating nasa 105.3 FM) sa frequency na ito. Nasa ilalim na ito ng DCG Radio-TV Network, na bumili sa 105.3 FM noong Disyembre 2013. Noong 2021, nawala sa ere ang Radio City.[4]
Noong Enero 2, 2023, bumalik itosa ere bilang Gospel Radio sa ilalim ng pamamahala ng North Philippine Union Conference, isang pakay ng Seventh-day Adventists. Ito ay nasa 96.7 FM na pinag-aarian ng Filipinas Broadcasting Network.