Ang DWTI (972 AM) Kasamang TI ay isang himpilan ng radyo na pagmamay-ari at pinamamahalaan ng DCG Radio-TV Network. Ang estudyo nito ay matatagpuan sa Broadcast Village, Brgy. Ibabang Dupay, Lucena.[1][2][3]
Mga pangyayari
Noong Mayo 17, 2003, bandang alas-6 ng umaga, pinatay ng dalawang hindi kilalang naka-motor ang host ng programmang "Nosi Balasi" na si Polly Pobeda habang papunta siya sa estudyo ng himpilang ito. Makalipas ng dalawang araw, nakilala at inaresto ang magkapatid na sina Eric and Eulogio Patulay bilang mga suspek sa pagpatay kay Pobeda. Sila ang nagsilbi bilang mga alalay ni Romano Talaga, anak ng alkalde ng Lucena na si Ramon Talaga.[4]