Ang Control Panel ay isang bahagi ng graphical user interface ng Microsoft Windows na pinapahintulutan ang mga manggagamit na tignan at baguhin ang mga kontrol, tulad ng pagdadagdag ng hardware, pagdadagdag at pagtatanggal ng mga programa, pagkokontrol sa mga manggagamit at pagpapalit ng mga opsiyon tungkol sa kadalian ng paggamit sa kompyuter. Maaaring magkaroon ng karagdagang mga applet ang ibang mga programa.
Sa mga bagong bersiyon ng Windows, may dalawang byu ang Control Panel, ang Klasiko at ang Kategorya, at madaling magpalit sa dalawang byu na ito sa pamamagitan ng isang opsiyon sa kaliwang gilid ng 'window.