Graphical user interfaceAng isang graphical user interface o GUI (IPA: /ˈɡuːiː/) ay isang uri ng user interface na pinapahintulot ang isang tao na magamit ang kompyuter at mga kagamitang kinokontrol ng kompyuter. Imbis na magbigay ng teksto lamang na mga menu, o pagpasok ng mga utos: mga graphical icon, biswal na pahiwatig o natatanging elementong grapikal na "widget", ang pinapakita. Kadalasang ginagamit ang mga icon na sinasamahan ng teksto, tatak, o tekstong nabigasyon upang buong mailarawan ang impormasyon at mga aksiyon na gagamitin ng isang tagagamit. Kadalasang naisasagawa ang mga aksiyon sa pamamagitan ng direktang pagmanipula ng mga elementong grapikal.
|