Ang al-Mulk[2] (Arabe: الملك, "Soberanya, Kaharian") ay ang ika-67 kabanata (surah) ng Quran, na binubuo ng 30 talata.[3] Binibigay-diin ng surah na walang indibiduwal ang maaring ipilit ang kanyang kalooban sa isa pang indibiduwal; maari lamang siyang magbigay gabay at magsilbing halimbawa (67:26).[4]
Buod
1-3 Papuri sa Makapangyarihan, ang Manlilikha at Pinuno ng lahat ng bagay
3-5 Ang kaganapan ng mga gawa ng Diyos, na makikita sa kalangitan, upang luwalhatiin siya
6-8 Pagpapahirap sa impiyerno na hinanda para sa hindi naniniwala
8-11 Magtatapat ang mga taong walang pananampalataya sa impiyerno sa kanilang kahangalan sa pagtawag kay Muhammad bilang manlilinlang
12 Makakatanggap ang matuwid ng dakilang gantimpala
13-14 Alam ng Diyos ang lahat
15-18 Wawasakin ng Diyos ang hindi naniniwala
19-24 Ang mga hindi naniniwala ay hindi nagpapasalamat sa Diyos na pinapanatili sila sa kanilang buhay
25-28 Hinahamon nila ang Propeta upang mapadali ang araw ng paghuhukom, subalit mangangamba sila sa paglapit nito
29-30 Ang Maawain ang tanging tagapagtanggol ng araw na iyon [5]
Paglalagay at pagkakaugnay sa ibang mga surah
The ideya ng tekstuwal na ugnayan sa pagitan ng mga talata ng kabanata ay tinalakay sa ilalim ng iba't ibang pamagat tulad ng nazm and munasabah sa di-Ingles na panitikan at coherence (pagkakaugnay), text relations (mga ugnayan sa teksto), intertextuality (intertekstuwalidad), at unity (pagkakaisa) sa panitikang Ingles. Kilala si Hamiduddin Farahi, isang Islamikong pantas sa subkontinenteng Indiyano, sa kanyang gawa sa konsepto ng nazm, o pagkakaugnay, sa Quran. Sina Fakhruddin al-Razi (namatay 1209 CE), Zarkashi (namatay 1392) at ilang ibang klasiko at gayon din ang kontemporaryong pantas ng Quran ang nag-ambag sa mga pag-aaral.[6] Sa gayon, umusbong ang buong Qur'an bilang isang napakaugnay at sistematikong aklat.[7] May isang natatanging tema ang bawat paghahati. Ang mga paksa sa loob ng paghahati ay humigit-kumulang nakaayos ayon sa paghayag. Sa loob ng bawat paghahati, umaakma ang bawat kasapi ng pares sa ibang pares sa iba't ibang paraan. Ang pitong paghahati ay ang sumusunod:
Pagpapaalaala sa Quraysh tungkol sa kanilang kinahihitnan sa Narito at Nasa Kabilang Buhay kung tatanggihan nila si Muhammad
Kabilang ang surah na ito sa huling (ika-7) pangkat ng mga surah na nagsisimula mula Surah Al-Mulk (67) at tumatakbo sa dulo ng Quran. Sang-ayon kay Javed Ahmad Ghamidi: "Ang tema ng pangkat na ito ay Babala sa pamunuan ng Quraysh ng kinalabasan ng mga Nasa Kabilang Buhay, at naghahatid ng masayang balita kay Muhammad (sws) ng pangingibabaw ng katotohanan sa Arabia. Unti-unting aabot ang tema sa kasukdulan nito sa pamamagitan ng pagsasayos ng iba't ibang surah sa pangkat na ito."[8][9]
↑Guppy, Shusha, For the good of Islam The Observer, 15 D 1991 (sa Ingles)
↑Wherry, Elwood Morris (1896). A Complete Index to Sale's Text, Preliminary Discourse, and Notes (sa wikang Ingles). London: Kegan Paul, Trench, Trubner, and Co. Naglalaman ang artikulong ito ng teksto mula sa isang lathalaing na nasa pampublikong dominyo.
↑Hamiduddin Farahi, translated by Tariq Mahmood Hashmi (2008). Exordium to coherence in the Quran : an English translation of Fātiḥah Niẓām al-Qurʼān (sa wikang Ingles) (ika-1st (na) edisyon). Lahore: al-Mawrid. ISBN978-9698799571.
↑Esposito, John, pat. (2003), "Islahi, Amin Ahsan", The Oxford Dictionary of Islam (sa wikang Ingles), Oxford University Press, ISBN0-19-512558-4, inarkibo mula sa orihinal noong 2014-12-28, nakuha noong 2021-07-05