Sura 104 ng Quranٱلهُمَزَة Al-Humazah
|
---|
|
Klasipikasyon | Makkan |
---|
Ibang pangalan | The Traducer, The Slanderer, The Backbiter |
---|
Posisyon | Juzʼ 30 |
---|
Blg. ng talata | 9 |
---|
Blg. ng zalita | 33 |
---|
Blg. ng titik | 133 |
---|
|
Ang Sūrat Al-Humaza (Arabiko: سورة الهمزة ) (Ang Naninira ng Kapwa) ang ika-104 kapitulo ng Koran na may 9 ayat. Ang pangunahing pahayag nito ang mga kahihinatnan ng taong nawawala. Kinukondena nito ang paninira sa kapwa sa pamamagitan ng salita o gawa at nagiisip na ang kanilang kayamanan ay mag-iingat sa kanila mula sa kamatayan. Inilalarawan nito ang parusang impiyerno na naghihintay sa kanila.
Mga bersikulo
Sa Ngalan ng Allâh, ang Pinakamahabagin, ang Napakamaawain at Ganap na Mapagmahal
1. Kapighatian at kapahamakan sa sinumang naninira sa mga tao at nanlalait sa kanila.
2. Na siyang nag-ipon ng yaman at wala siyang ginawa kundi bilangin ito.
3. Iniisip niya na may katiyakan sa kanyang sarili na ang kanyang mga kayamanan na kanyang nilikom, na ito ay makapagpapanatili sa kanya rito sa daigdig magpasawalang-hanggan at ligtas siya sa paghuhukom.
4. Ang katotohanan ay hindi ang yaong kanyang iniisip! Kundi walang pag-aalinlangan, itatapon siya sa Apoy na nilalamukos nito ang anumang inihahagis dito.
5. At ano ang makapagpapabatid sa iyo, O Muhammad, sa pagiging totoo ng Apoy na ito na nilalamukos nito ang anumang inihahagis dito?
6. Katotohanan, ito ay sinilaban na Apoy ng Allâh,
7. Na sa sidhi ng paglalagablab nito ay umaabot ang sidhi ng init nito sa mga katawan (ng tao) na nanunuot patungo sa mga puso.
8. Katiyakan, ito ang magpipinid sa kanila,
9. Na nagtataasang mga haligi ng Apoy na hindi na sila makalalabas pa roon.