Idineklera ng Mga Nagkakaisang Bansa ang 2021 bilang Internasyunal na Taon ng Kapayapaan at Tiwala,[2] ang Internasyunal na Taon ng Malikhaing Ekonomiya para sa Napapanatiling Pag-unlad,[3] ang Internasyunal na Taon ng mga Prutas at Gulay,[4] at ang Internasyunal na Taon para sa Pagtanggal ng Paggawa ng Bata.[5] Iproneklema ng Simbahang Katoliko ang 2021 bilang Taon ni San Jose.[6]
Kaganapan
Enero
Enero 6 – Inatake ng mga tagasuporta ng Pangulo ng Estados Unidos na si Donald Trump ang Kapitolyo ng Estados Unidos, na ginambala ang sertipikasyon ng pampanguluhang halalan ng 2020 at pinuwersa na ilikas ang Kongreso. Limang tao ang namatay noong panahon ng kaguluhan, kabilang ang isang opisyal na pulis at isang babae na binaril at pinatay sa loob ng gusali ng Kapitolyo.[7] Nauri ang kaganapan bilang isang domestikong terorismo pag-atake at nagdulot ng internasyunal na pagkondena.[8]
Enero 10 – Nahalal si Kim Jong-un bilang Pangkalahatang Kalihim ng namamayaning Partidong Manggagawa ng Korea, na minana ang titulo mula sa kanyang yumaong ama na si Kim Jong-il, na namatay noong 2011.[9]
Hinalal ng Partidong Rebolusyonaryong Bayan ng Laos si Thongloun Sisoulith bilang bago nitong Pangkalahatang Kalihim, na pinalitan ang nagretirong hepe na si Bounnhang Vorachith. Nahalal si Sisoulith para sa isang limang-taon na termino bilang pinakamataas na pinuno ng Laos.[10]
Pandemya ng COVID-19: Umabot na ang bilang ng mga namatay sa COVID-19 sa 2 milyon sa buong mundo.[11]
Pandemya ng COVID-19: Lumagpas na ang bilang ng isinasagawang pagbabakuna sa 300 milyon sa buong mundo.[21]
Nakipagkita si Papa Francisco kay Gran Ayatollah Ali al-Sistani sa Najaf, Iraq. Ito ang pinakaunang pagpupulong sa pagitan ng isang papa at isang gran ayatollah.[22]
Naganap ang pangkalahatang halalan ng Israel, ang ikaapat na halalang Knesset sa dalawang taon.[23]
Ang Ever Given, isa sa pinakamalaking kargamentong barko sa mundo, ay sumadsad at nagdulot ng pangunahing pagharang sa Kanal Suez. Nagresulta ito ng obstakulo sa mga barko na nagdulot ng isang pangunahing paggambala sa pandaigdigang kalakalan.[24]
Marso 25 – Pandemya ng COVID-19: Lumagpas na ang bilang ng isinagawang pagbabakuna sa 500 milyon sa buong mundo.[21]
Mayo 9 – Sumiklab at naging sanhi ng Epidemya ng fungus sa India ang isang uri ng bacterial infection na fungus ang mga baryanteng kulay ay kumalat sa iba't ibang rehiyon sa India.[30][31]
Mayo 23 – Ang pungus sa India ay idineklara ng epidemya sa bansa dahil sa pagkalat at naglalabasang baryanteng kulay, 219 na ang naitalang nasawi sa fungal inpeksyon.
Hulyo 7 – Pagpatay kay Jovenel Moïse: Ang Pangulo ng Hayti na si Jovenel Moïse ay binaril at binawian ng buhay sa oras na 1:00 ng umaga sa kanyang tahanan. Ang kanyang asawa na si Martine Moïse ay nasugatan at naospital.[32]
Oktubre
Oktubre 1 – Nagpaalam ang beteranong tagapag-ulat ng balita na si Natalie Morales magpapaalam sa programang Today Show ng NBC sa halos na 22 taon.