Si Jovenel Moïse ( Pagbigkas sa Pranses: [ʒɔv(ə)nɛl mɔiz] ; Hunyo 26, 1968 - Hulyo 7, 2021) ay isang negosyante at politiko ng Hayti, na nagsilbi bilang ika-43 na Pangulo ng Haiti mula 2017 hanggang sa kanyang pagkamatay noong 2021. Nanumpa siya bilang pangulo noong Pebrero 2017 matapos manalo noong halalang 2016 ng Nobyembre.[2][3] Noong 2019, naging krisis ang mga protesta at kaguluhan sa Haiti.[4][5] Noong unang bahagi ng umaga ng Hulyo 7, 2021, pinaslang si Moïse habang ang kanyang asawang si Martine ay nasugatan dulot ng pag-atake sa kanilang pribadong tirahan sa Pétion-Ville.[6][7][8] Kinuha ni Claude Joseph ang kontrol sa bansa bilang gumaganap na punong ministro kasunod ng pagpaslang kay Moïse.[9]