Urophycis chuss

Pulang hake
Klasipikasyong pang-agham
Kaharian:
Kalapian:
Hati:
Orden:
Pamilya:
Sari:
Espesye:
U. chuss
Pangalang binomial
Urophycis chuss
(Walbaum, 1792)

Ang Urophycis chuss (Ingles: red hake [pulang hake], squirrel hake [hakeng iskuwirel]) ay isang isdang merlusa o hakeng kabilang sa mga Phycidae (mga phycid hake sa Ingles), na matatagpuan sa hilagang-kanlurang Karagatang Atlantiko sa kalalimang nasa pagitan ng 10 at 500 mga metro. Lumalaki itong umaabot sa 30 mga pulgada (75 mga sentimetro) at 7 mga libra (3.2 mga kilogramo).[1] Ito ang pinakamahalagang isdang pangkomersyo sa Hilagang Amerika, na sagana o nagdudumami sa Karagatang Atlantiko, magmula sa katimugang Canada magpahanggang Virginia, Estados Unidos.[2]

Mga sanggunian

  1. "Urophycis chuss". FishBase. Ed. Ranier Froese and Daniel Pauly. Abril 2006 version. N.p.: FishBase, 2006.
  2. "Squirrel hake, mula sa Hake". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977., Dictionary Index para sa titik na H, pahina 318.

Mga kawing panlabas


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.