Ang Unyong Kalmar (Danes, Norwego at Sweko: Kalmarunionen; Latin: Unio Calmariensis) ay isang lumang pangalan na tumutukoy sa ilan-ilang mga pagkakaisa (1397-1523) na nagpaisa sa tatlong mga kaharian ng Dinamarka, Norwega (kasama ang Islandia, Groenlandia, Kapuluang Peroe at, bago angkinin ng Eskosya, Kapuluang Shetland at Orkney) at Swesya (kasama ang Pinlandia) sa ilalim ng iisang monarko, bagaman sa palaktaw-laktaw na panahon at para sa populasyong kaunti pa sa 3 milyon.[1]
Ang mga bansa ay hindi naman nagsisuko ng kani-kanilang mga pagiging soberano, ni ng kanilang kalyaan, ngunit sa madaling salita, hindi sila awtonomo; ang iisang monarko ang mayhawak ng kapangyarihan at lalo na pagdating sa pakikipag-ugnayang panlabas; ang kani-kanilang iba-ibang kagustuhan (lalo na ng di-pagsang-ayon ng mga maharlikang Sweko sa malawakang papel ng Dinamarka at Hosltein) ay ang nagdulot ng hidwaan na naging sagabal sa unyon sa ilang mga panahon mula noong dekada 1430 hanggang sa tuluyang paghihiwalay nito noong 1523 nang si Gustavo I ay naging hari ng Swesya.
Samantala, ang Norwega at ang kaniyang mga teritoryo ay nanatiling bahagi ng unyon ng Dinamarka-Norwega sa ilalim ng dinastiya ng Oldemburgo sa loob ng ilang mga siglo matapos nang paghihiwalay (hanggang 1814).
Mga sanggunian
↑Boraas, Tracey (2002). Sweden. Capstone Press. p. 24.