Sumasampalataya Ako

Ang "Sumasampalataya Ako" o ang Kredong Apostóliko (Latín: Symbolum Apostolorum o Symbolum Apostolicum) ay sinaunang pagpapahayag ng paniniwalang Kristiyano, isang kredo. Bahagi rin ito sa pagdarasal ng rosaryo.[1]

Teksto sa Tagalog

Ito ang nilalaman ng dasal na ito:[2]
(Ang mga bilang na nakalagay ay ayon sa tradisyonal na bilang ng Katesismo ng Simbahang Katoliko.)

  1. Sumasampalataya ako sa Diyos Amang makapangyarihan sa lahat, na may gawâ ng langit at lupa.
  2. Sumasampalataya ako kay Hesukristo, iisang Anak ng Diyos, Panginoón nating lahat.
  3. Nagkatawang-tao Siya lalang ng Espíritu Santo, ipinanganak ni Santa Mariang Birhen.
  4. Pinagpakasakit ni Póncio Pilato, ipinakò sa krus, namatay, inilibing.
  5. Nanaog sa kinaroroonan ng mga yumao. Nang may ikatlong araw, nabuhay na mag-ulî.
  6. Umakyat sa langit, náluluklók sa kanan ng Diyos Amang makapangyarihan sa lahat.
  7. Doon magmumulang paririto at huhukom sa nangabubuhay at nangamatay na tao.
  8. Sumasampalataya naman ako sa Diyos Espíritu Santo,
  9. sa banal na Simbahang katólika;
  10. sa kasamahan ng mga Banal;
  11. Sa kapatawaran ng mga kasalanan,
  12. Sa pagkabuhay na mulî ng nangamatay na tao,
  13. At sa buhay na walang-hanggán. Amen.

Mga sanggunian

  1. "Maliit na Dasalan ng Pagrorosaryo". Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-03-26. Nakuha noong 2008-03-18.
  2. Landsnes, David G.(para sa “Aba Ginoong Maria sa 404 na mga wika” ng Ordine Equestro del San Sepolcro di Gerusalemme, Milano, 1931), Aquinas Duffy (para sa Aba Ginoong Maria at Luwalhati), at Wolfgang Kuhl (para sa Tanda ng Krus, Aba Po Santa Mariang Hari at Sumasampalataya Ako). Mga Dasal na nasa Wikang Tagalog, Tagalog (Filipino, Pilipino), Christus Rex, Inc., christusrex.org, kinuha noong Pebrero 26, 2008

Silipin Din

Kristiyanismo Ang lathalaing ito na tungkol sa Kristiyanismo ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.