Program Evaluation and Review TechniqueAng Program Evaluation and Review Technique, mas kilala bilang PERT, ay isang modelong ginagamit sa pamamahala ng proyekto na idinisenyo upang suriin at kumatawan sa mga gawain bumubuo ng isang proyekto. Kadalasan itong ginagamit kasabay ng critical method o CPM. Ang kaibahan nito sa CPM ay makikita sa paggamit nito ng probabalistic na tagal ng pagsasagawa ng mga gawain. Gumagamit ito ng 3 estimate-approach sa pagsusuri kung gaano katagal matatapos ang bawat gawain. Ang tatlong estimate na ito ay ang ang (1) optimistiko o positibo, (2) malamang at (3) pesimistikong o negatibo. Tagal ng Bawat Gawain sa ProyektoBawat gawain na bumubuo sa isang proyekto ay ipinapalagay na may panahong nagtatagal o duration na may beta distribution, na ang may mean na
at may variance na
Tagal ng Buong ProyektoDahil sa ang bawat gawain ay may duration na may beta distribution, ang tagal ng buong proyekto ay magiging suma ng tagal ng bawat gawain. Sa pamamagitan ng Central Limit Theorem, masasabing ang suma ng mga beta distribution ay magkakaroon ng isang normal distribution na may mean na
Samakatuwid, ang probabilidad na matatapos ang isang buong proyekto sa loob ng n na araw ay
Kung saan,
Mga Ipinapalagay ng PERT1. Ang tagal ng bawat proyekto ay batay lamang sa mga gawaing bumubuo ng kritikal na daan (critical path).
2. Malaya o independent ang mga gawain mula sa isa't isa.
3. Ang tagal ng buong proyekto ay normally distirbuted.
|