Sa taksonomiya ng larangan ng biyolohiya, phylum [isahan] o phyla [maramihan]; Griyego: Φῦλα), o ang lapi, o kalapian, ay isang kahanayang ng pagkakapangkat-pangkat na nasa antas sa ilalim ng kaharian at nasa ibabaw ng biyolohiya. Kinuha ang salitang "phylum" mula sa phylai (φυλαί) ng wikang Griyego, mga grupo ng mga angkan na naninirahan sa mga lungsod ng isinaunang Gresya; may kakayahan at karapatan sa paghalal ng pinunong-kaangkan ang mga phylai. Sa larangan ng taksonomiya, kinakatawan ng mga phylum ang pinakamalaki at pinakakaraniwang kinikilalang pagbubuklod-buklod ng mga hayop at iba pang mga nilalang na may-buhay, at may tiyak na mga katangiang pang-ebolusyonaryo, bagaman kung minsan maaaring ihanay ang mga mismong phylum sa mga superphyla (katulad ng Ecdysozoa na may walong phylum, kabilang ang mga arthropod at bulating-bilog; at ang Deuterostomia na kabilang ang mga echinoderm, chordate, hemichordate at bulating-pana) (arrow worm).
Sa impormal na paraan, maaaring isipin na ang mga phylum isang paglilipon ng mga hayop batay sa isang panlahatang kayarian ng katawan;[1] Tinatawag itong pagpapangkat-pangkat na pang morpolohiya (ayon sa pagkakahawig ng mga anatomiya). Samakatuwid, sa kabila ng tila pagkakaiba ng mga panlabas na mga kaanyuhan ng mga nilalang, inihanay sila sa mga phylum ayon sa kanilang mga panloob na kayarian.[2] Halimbawa, bagaman tila magkahiwalay at magkaiba, kapwa kabilang ang mga gagamba at mga alimango sa mga Arthropoda, samantalang ang mga bulating-lupa at bulating-payat, bagaman magkahugis, ay mula sa dalawang kahanayan. Kabilang ang mga bulating-lupa sa mga Annelida, samantalang ang mga bulating-payat ay mula sa mga Platyhelminthes. Datapwa pinapayagan ng Kodigong Pansandaigdigan ng Pagpapangalang Pang-botaniko ang paggamit ng salitang "phylum ilang panukoy sa mga halaman, higit na mas ginagamit ng mga botanista ang salitang "kahatian".
Ang pinakakilalang mga phylum ng hayop ay ang Mollusca, Porifera, Cnidaria, Platyhelminthes, Nematoda, Annelida, Arthropoda, Echinodermata, at Chordata. Sa huli nabibilang mga ang mga tao. Bagaman may 35 - humigit-kumulang - na mga phylum, kabilang sa siyam na nabanggit ang karamihan sa mga sari. Marami sa mga phylum ang nabubuhay sa tubig, at nag-iisa lamang ang wala sa mga karagatan ng mundo: ito ang Onychophora o bulating-pelus (bulating-tersiyupelo).
Ang pinakabagong natuklasang sari ay ang Cycliophora[3], na natuklasan noong 1993; tatlong bagong sari lamang ang natuklasan sa loob ng huling dantaon.
Ang pagsabog na Kambriyano ay isang malakihang pamumulaklak ng mga nilalang na may-buhay na naganap sa pagitan, humigit-kumulang, ng 530 at 520 milyong taon na ang nakalipas;[4] noong mga panahong ito mayroon nang mga nilalang na kahawig ng makabagong sari, bagaman hindi naman kabilang sa mga ito;[5] habang ang ilan naman ay parang mga kinatawan na nasa loob ng Ediacaran biota, nananatili itong isang usapin na kung ang lahat ba ng mga sari ay namumuhay na bago man dumating ang pagsabog. Sa loob ng maraming panahon, nagpabagu-bago ang mga gawain ng iba't ibang mga sari. Halimbawa, noong panahong Kambriyano, ang nakalalamang na mga megafauna (megahayop), o malalaking mga hayop, ay ang mga artropoda, ngunit sa ngayon ang mga megahayop ay nalalamangan ng mga vertebrata (kordata)[6] Magpahanggang sa ngayon, ang pinaka-nakalalamang na sari ay ang mga artropoda.
Saccorhytus is only about 1 mm (1.3 mm) in size and is characterized by a spherical or hemispherical body with a prominent mouth. Its body is covered by a thick but flexible cuticle. It has a nodule above its mouth. Around its body are 8 openings in a truncated cone with radial folds.
Might possibly be a subphylum of the chordates. Their body consists of two parts: a large front part and covered with a large "mouth" and a hundred round objects on each side that have been interpreted as gills - or at least openings in the vicinity of the animal. Their posterior pharynx consists of 7 segments.
↑Valentine, James W. (2004). On the Origin of Phyla (Hinggil sa Pinagmulan ng mga Phylum). Chicago: Palimbagang Pampamantasan ng Chicago. p. 7. 0226845486.". Ginagamit na ang klasipikasyon ng mga organismo sa mga pamamaraan ng pag-aantas nang dumating ang ika-labimpito at ika-labingwalong mga dantaon. Karaniwang tinitipon ang mga nilalang ayon sa kanilang mga pagkakatulad na pang-morpolohiya, ayon sa kaalaman ng mga isinaunang mga dalubhasa, at ang mga kalipunang ito ay muling inihanay ayon sa kanilang mga pagkakatulad, at iba pa, upang makabuo ng pag-aantas (hirarkiya)."
↑Parker, Andrew (2003). In the blink of an eye: How vision kick-started the big bang of evolution (Sa isang kisap-mata: Paano pinanimulan ng paningin ang pagsabog at paglaganap ng ebolusyon). Sydney: Free Press. pp. 1–4. 0743257332." Ang trabaho ng biyolohistang ebololusyonaryo ay ang mabigyan ng kahulugan ang masalimuot na pagsasalunggatan ng hubog - hindi laging may kaugnayan sa pagitan ng panloob at panlabas na mga bahagi ng katawan. Noong unang kapanahunan ng paksang ito, naging lantad na ang mga kayariang panloob - sa pangkalahataan - ay higit na mahalaga sa mataas na kahanayan ng mga hayop, kaysa sa mga panlabas na hugis. Naglalagay ng malawakang limitasyon ang panlabas na kayarian sa kung paano humihinga, kumakain at gumagawa ng supling ang isang hayop."
↑"… kapag may isang bagong tuklas na sari ng hayop, hindi man pangkaraniwan, maaaring ihanay ito sa isang kilala nang lupon ng mga nilalang na may katulad na kayarian ng katawan o sari. Bagaman mayroon nang higit sa 1.5 milyong kilalang mga sari sa mundo, maaari silang ihanay sa loob ng 35 o higit pa na mga sari. Kabilang sa mga ito ang mga kordata (chordate, mga vertebrata katulad ng tao), mga molusk (mga suso) at artropoda (may mga binting magkakaugpong; mga kulisap). Subalit, ang S. pandora ay lubhang hindi pangkaraniwan kung kaya't hindi ito maihanay sa kahit na anong umiiral na kasarian, at dahil dito isang bagong sari ang iminungkahi: ang Cycliophora" [1] (pinuntahan ang URL noong 5 Hulyo 2006)
↑Maling banggit (Hindi tamang <ref>tag;
walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang 6kingdoms); $2
↑ 12.012.112.2Mauseth, James D. (2012). Botany : An Introduction to Plant Biology (ika-5th (na) edisyon). Sudbury, MA: Jones and Bartlett Learning. ISBN978-1-4496-6580-7. p. 489
↑Crandall-Stotler, Barbara; Stotler, Raymond E. (2000). "Morphology and classification of the Marchantiophyta". Sa A. Jonathan Shaw; Bernard Goffinet (mga pat.). Bryophyte Biology. Cambridge: Cambridge University Press. p. 21. ISBN978-0-521-66097-6.
↑Wyatt, T., Wosten, H., Dijksterhuis, J. (2013). "Advances in Applied Microbiology Chapter 2 - Fungal Spores for Dispersion in Space and Time". Advances in Applied Microbiology. 85: 43–91. doi:10.1016/B978-0-12-407672-3.00002-2. PMID23942148.{{cite journal}}: CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
↑Holt, Jack R.; Iudica, Carlos A. (1 October 2016). "Blastocladiomycota". Diversity of Life. Susquehanna University. Inarkibo mula sa orihinal noong 30 Disyembre 2016. Nakuha noong 29 December 2016.
↑Holt, Jack R.; Iudica, Carlos A. (9 January 2014). "Chytridiomycota". Diversity of Life. Susquehanna University. Inarkibo mula sa orihinal noong 19 Marso 2017. Nakuha noong 29 December 2016.
↑Taylor, Krings and Taylor, Thomas, Michael and Edith (2015). "Fossil Fungi Chapter 4 - Chytridiomycota". Fossil Fungi: 41–67. doi:10.1016/b978-0-12-387731-4.00004-9.{{cite journal}}: CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
↑Holt, Jack R.; Iudica, Carlos A. (12 March 2013). "Microsporidia". Diversity of Life. Susquehanna University. Inarkibo mula sa orihinal noong 30 Disyembre 2016. Nakuha noong 29 December 2016.
↑Holt, Jack R.; Iudica, Carlos A. (23 April 2013). "Neocallimastigomycota". Diversity of Life. Susquehanna University. Inarkibo mula sa orihinal noong 20 Hunyo 2016. Nakuha noong 29 December 2016.
↑ 30.030.1"Types of Fungi". BiologyWise (sa wikang Ingles). 22 May 2009. Nakuha noong 2019-05-05.
Diksiyunaryong pang-Etimolohiya sa internet: mula sa Griyegong phylon (lahi, lipi, kasapi, pinagmulan); na kaugnay ng phyle (tribo, angkan), at phylein (dalhin dito) ng physikos (tumutukoy sa kalikasan); mula sa physis (kalikasan)