Si Papa Pio IX (13 Mayo 1792 – 7 Pebrero 1878) na ipinanganak na Giovanni Maria Mastai-Ferretti ang pinakamahabang nagharing Papa ng Simbahang Katoliko Romano na nagsilbing papa mula 16 Hunyo 1846 hanggang sa kanyang kamatayan na halos 32 taon. Sa kanyang pagkapapa, kanyang tinipon ang Unang Konsilyong Batikano noong 1869 na nag-atas ng impalibilidad ng papa (pagiging hindi nagkakamali ng papa). Inilarawan ng papa ang dogma ng Imakulada Konsepsiyon ni Maria na nangangahulugang si Maria ay ipinaglihi nang walang orihinal na kasalanan. Pinagkalooban rin ni Pio IX ang pamagat na Mariana ng Ina ng Laging Saklolo na isang ikonong Bisantino mula sa Creta na ipinagkatiwala sa mga paring Redemptorista. Si Pio IX rin ang huling papa na namuno bilang soberanya ng Mga Estado ng Papa na bumagsak nang buo sa mga nasyonalistang hukbong Italyano noong 1870 at isinama sa Kaharian ng Italya. Pagkatapos nito, siya ay boluntaryong naging unang "Bilanggo ng Batikano".