Si Papa Simplicio ang Papa ng Simbahang Katoliko Romano mula 468 CE hanggang 10 Marso 483 CE. Siya ay ipinanganak sa Tivoli, Italy at anak ng isang Castinus. Ang karamihan ng alam sa kanya ay hinango mula sa Liber Pontificalis. Ipinagtanggol ni Simplicio ang aksiyon ng Konseho ng Chalcedon laban sa heresiyang Eytchian. Siya ay gumawa sa pagtulong sa mga tao ng Italya laban sa mga mananalakay na barbarian. Kanyang nakita ang pag-aalsa ng mga mersenaryong Heruli at pinroklama si Odoacer na hari ng Italya noong 476 CE na nagpatalsik sa trono kay Romulus Augustulus na huling emperador ng Kanlurang Imperyo Romano. Si Odoacer ay gumawa ng ilang mga pagbabago sa pamamahala sa Roma na matatag sa mga kamay ng obispo nito si Simplicio. Siya ay gumawa upang panatilihin ang kapangyarihan ng Roma sa kanluran.