Si Esther Margaux "Mocha" Justiniano Uson[3][4] mas kilala bilang Mocha, ay isang mang-aawit, mananayaw, modelo, artista, nagbloblog, at pampublikong opisyal mula sa Pilipinas.[5] Isa siya sa mga nagtatag ng grupong Mocha Girls.
Nagsilbi siya bilang kasapi ng Lupon sa Rebyu at Klasipikasyon ng Pelikula at Telebisyon noong Enero 2017[6] sa pamamagitan ng paghirang sa kanya bilang Katuwang na Kalihim ng Tanggapang Pampanguluhan sa Operasyong Pangkomunikasyon noong Mayo 2017[7] ni PangulongRodrigo Duterte bilang gantimpala sa kanyang pagsuporta sa kampanya ni Duterte noong halalang pampangulo ng Pilipinas.[8][9][10] Nagbitiw siya sa kanyang puwesto noong Oktubre 3, 2018, pagkatapos ng isang serye ng pagkakamali, bagaman may mga nagsasabing pinatalsik siya ng Malacañang.[11] Noong Setyembre 30, 2019, ipinahayag na hinirang ni Duterte si Uson bilang Diputadong Ehekutibong Direktor ng Pangasiwaan sa Kagalingan ng Manggagawa sa Ibayong-dagat,[5] na hindi nagustuhan ng mga netizen.[12]
Talambuhay
Ipinanganak si Mocha Uson sa Dagupan, Pangasinan, Pilipinas.[13] Ang kanyang ama, si Oscar Uson, ay isang hukom ng Panrehiyong Hukuman sa Paglilitis na pinaslang noong Setyembre 2002 sa Asingan, Pangasinan.[14][15] Ang kanyang ina, si Estrellita Uson, ay isang pedyatrisyan sa Dagupan[15] at gumaling sa sakit na kanser sa suso.[16][17][18][19] Madalas nareregaluhan ang ina ni Uson ng mga keyk at sorbetes na mocha dahil sa kanyang kayumangging balat,[18] na naging inspirasyon sa kanyang palayaw.
Nagtapos si Mocha Uson sa isang digri ng Batsilyer ng Agham sa parmasiya mula sa Unibersidad ng Santo Tomas noong 1998.[20][21] Sa kalaunan, nagpalista siya sa Pakultad ng Medisina at Pagtitistis ng unibersidad noong 1999, ngunit umalis siya noong kanyang ikalawang taon upang ipagpatuloy ang karera sa pagmomodelo at libangan.[18][22]
↑Valderama, Tita (15 Mayo 2017). "Presidential prerogative". The Manila Times Online (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 9 Pebrero 2019. Nakuha noong 7 Pebrero 2019.
↑Orosa, Rosalinda L. (Mayo 18, 2011). "Mocha in Star Confession". The Philippine Star (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Hunyo 27, 2017. Nakuha noong Setyembre 23, 2016.
↑ 15.015.1De Leon, Eva; Ramirez, Cesar (Setyembre 29, 2002). "Pangasinan judge dies in ambush". The Philippine Star (sa wikang Ingles). Nakuha noong Setyembre 23, 2016.
↑Carrasco, Ronnie III (Agosto 22, 2016). "Mocha Uson, Cristy Fermin reconcile". The Manila Times (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Septiyembre 24, 2018. Nakuha noong Setyembre 23, 2016. {{cite news}}: Check date values in: |archive-date= (tulong)