Ang Miss Asia Pacific International na dating tinawag na Miss Asia Quest, Miss Asia Pacific ay nagsimula bilang isang panrehiyong patimpalak sa kagandahan sa kababaihan na orihinal na bukás at nilalahukan ng mga bansa sa Asya at naglaon, pati ng mga bansang may babayin sa Karagatang Pasipiko. Noong huling tanghalin ito noong 2005, binuksan ang patimpalak upang maging pandaidigan at naging Miss Asia Pacific International.
Kasaysayan
Bago pa taunang magtanghal ng Miss Asia mula noong 1968, nagtanghal na ng isang Miss Asia na patimpalak noong 1965 na inorganisa ng Philippine Amateur Cycling Association. Linahukan ito ng limang bansa kung saan nagwagi si Angela Filmer ng Malaysia.
Noong 1968, itinatag sa pangunguna ni Biboy Enriquez ang Miss Asia Quest, Inc. nagbigay daan upang taunang iorganisa ang patimpalak.[1] Ipinagpaliban ang pagdaos ng patimpalak noong 1990 at 1991 dahil sa mga kalamidad na tumama sa Pilipinas kung saan noon nakabase ang organisasyon. Hindi rin nagdaos ng patimpalak noong 2004, bago ganapin muli ang hanggang sa ngayo'y huli nitong edisyon noong 2005.
Mga nagwagi
Tinanghal na Miss Asia ang mga nagwagi sa Miss Asia Quest mula 1968 hanggang 1983, nang palawigin ang kompetisyon noong 1984 nagsimulang tanghalin ang mga nagwawagi bilang Miss Asia Pacific, at noong 2005 tinawag na ang nagwawagi na Miss Asia Pacific International.