Noong March 29, 2015, sa Licab, Nueva Ecija, ay nagtayo ng isang dedikasyong monumento para kay Heneral Tinio noong ika-120 anibversaryo ng munisipalidad.
Talambuhay
Ang pamilya Tinio, na ang pinaka kilalang anak na si Manuel Tinio, ay itinutuing na pinaka kilala at prominentent pamilya sa lalawigan ng Nueva Ecija. Ang pamilya ang nag-mamayari ng pinakamalalaking lupain dito[3] in Central Luzon, kung hindi man sa ay sa buong Pilipinas, bago naideklara ang Batas Militar.
Ang mga tinio, katulad ng mga Rizal sa Laguna, ay mula sa lahing Intsik. Ang mga dokumento mula sa San Fernando, Pampanga na may petsa na 1745 ay sinasabing ang isang Domingo Tinio ay isangChino Cristiano or binyagang Intsik.
Si Juan Tinio,[4] ang unang ninuno na naitala ay may kambal na anak na lalaki na nabinyagan sa Gapan noong 1750. Sa talaan ng binyag siya ay sinasabing isang natural na indio, isang katutubong Filipino. Mula rito ay masasabi na ang kanyang Lolo o sinaunang ninuno ay purong Intsik. (Si Juan Tinio ay naging unang tagapamagitan ng Monopolyo ng Tabako ng itatag ito noong 1782 at naupo sa posisyon ng dalawang taon.)
Ang apo sa tuhod ni Juan Tinio, si Mariano Tinio Santiago, ay ang ama ni Manuel Tinio. Si Mariano at mga kapatid, ay orihinal na nagngangalang Santiago, nagpalit sila ng apelyido na Tinio, ang apelyido ng kanilang ina, nang ayon sa kautusan ng Gobernador Heneral Narciso Claveria na ikalawang kautusan ng 1850 na nagtatalaga sa lahat ng mga Indio at mestisong Intsik na palitan ang kanilang mga apelyido kung ito ay isang pangalang santo. Bagamat siya ay tubong San Isidro, Nueva Ecija, Si Mariano ay nanirahan Licab,na noon ay isang baryo ng Aliaga sa tabi ng lawa ng Canarem, at gumawa ng bukirin sa lupain na magubat. Nagsilbi siyang Cabeza de Barangay ng lugar, siya ay nakilala sa pangalan na ‘Cabezang Marianong Pulang Buhok’. Paglaon, siay naging may-ari ng malalaking luapin, namuhay siya ng simple sa kanyang mga lupain. Si Mariano ay isang taong may prinsipyo, na minsan ding humantong sa isang petisyo sa Gobernador Heneral hinggil sa korapsyon at pang-aabuso ng Alcalde Mayor, noon ay siyang gobernador ng Nueva Ecija, at hiniling ang pag-tanggal dito. Si Cabesang Mariano ay naikasal ng maraming ulit, na karaniwan noong panahon na iyon, may mga ugnayan din sa labas ng kasal, na naging sanhi ng marami niyang anak. Ang ika-apat at huli niyang asawa ay si Silveria Misadsad Bundoc ng Entablado, Cabiao. Namatay siya noong Oct.11, 1889 sa Licab. Si Silveria, na isang matikas na babae, ay nabuhay hanggang sa ika 2" dekada ng ika-20 siglo .
Si Manuel Tinio ay ipinanganak ni Silveria noong June 17, 1877 sa Licab, isang baryo sa Aliaga na naging isang munisipalidad 1890.Isa siyang nag-iisang anak na lalaki at may dalawang kapatid na babae, ang panganay ay si Maximiana, na napangasawa ni Valentin de Castro ng Licab at si Catalina, ang bunso, ay napangasawa naman ni Clemente Gatchalian Hernandez ng Malolos, Bulacan. Si Manuel ang paborito ng kanyang ina, at ang kanyang ama ay pumanaw noong si Manuel ay labing dalawang taong gulang.
Kabataan
Ang batang si Manuel Tinio ay natuto ng alpabeto, sa isang di nakilalang guro sa Licab. Pagkatapos, siya ay nagtungo sa kapitolyo upang ipagpatuloy ang pag-aaral sa Calaba, San Isidro sa pamumuno ni Don Rufino Villaruz. Nagpatuloy siya ng pag-aaral sa Maynila sa paaralan ni Don V. Crisologo. Noong 1893 pumasok siya sa San Juan de Letran, kung saan ipinagpatuloy nia ang segunda ensenianza o high school noong 1896.
Si Manuel Tinio sinasabing isang pilyo at malikot na estudyante, ngunit isang ipinanganak na may angking kakayahan sa pamumuno. Sa kaugalian ng panahong iyon, ang mga estudyante ay nagpapangkat pangkat sa mga grupong rehiyonal. Dahil sa kanyang katangiang mamuno, si Manuel ang naging pinuno ng mga Novo-Ecijanos. Siya at kanyang mga kaibigan ay minsang gumawa ng kalokohan, na naging dahilan na humadlang sa kanyang pagtatapos sa pag-aaral . Ang batang si Manuel Tinio at kanyang mga kaibigan ay galing sa isang labanan ng arnis de mano sa Jardin Botanico (sa likod ngayon ng Manila Metropolitan Theater) at sila ay pabalik na ng Intramuros ng makita nila ang isang Espanyol na nagbibisekleta patungo sa kanila. Sa buyo ng kanyang mga kaibigan, itinulak ni Manuel ang nagbibisekleta at tumakbo sila ng tuwang tuwa matapos matumba ang siklista. Ang galit na galit na Espanyol, na isa palang opisyal ng Guardia Sibil, ay nakilala si Manuel. Nang gabing iyon, may mga guardiya sibil na dumating at kumatok sa kanilang tinutuluyan. Si Tinio at kanyang mga kasama sa bahay, ay sumilip at nakita ang mga sundalo. Napag-alaman niyang siya ay aarestuhin, Si Manuel lumundag sa bintana upang sagipin ang kanyang buhay at tumakas pauwi ng Licab, ang kanyang bayan. Ito ay isa sa mga pagtakas na naranasan niya sa kanyang buhay.
1896 at ang Himagsikan
Si Manuel Tinio, noon ay 18 taong gulang, ay sumapi sa Katipunan noong Abril 1896. Noong Agosto ng taong iyon ay inorganisa nya ang isang grupo na kinabibilangan ng kanyang mga kaibigan, kamag-anak at mga nangungupahan. Personal nyang pinamunuang ang batang grupo ng mga guerilla, gumawa sila ng mga pagsalakay sa mga kampo ng Espanyol at mga patrolya sa Nueva Ecija. Kadalasan, sumasama siya sa mga kaparehong puwersa sa ilalim ng iba pang mga kabataang grupo.
Noong September 2, 1896, si Manuel Tinio at kanyang mga tauhan ay nakipag kampihan sa grupo ni Mariano Llanera at Pantaleon Valmonte, capitanes municipales o kapitan mayor ng Cabiao at Gapan, ayon sa pagkakasunod, sa pag-atake sa San Isidro. Sa 3,000 na nagboluntaryo, 500 determinadong kalalakihan ang napili sa pag-atake. Sa pangunguna ng isang bandang kawayan o musikong bumbong ng Cabiao, ang puwersa ay dumating sa dalawang sangay mula sa Cabiao at Gapan City at nagtagpo sa Sitio Pulu, 5 km. mula San Isidro. Sa kabila na sila ay mayroon lamang 100 na mga riple, matapang nilang nilabanan ang mga Espanyol na nasukol sa Casa Tribunal, ang arsenal, iba pang gusali ng gobyerno at sa bahay ng mga Kastila. SiKapitan Joaquin Machorro, kumader ng mga Guardia Sibil, ay napatay noong unang araw ng labanan. Ayon kay Julio Tinio, pinsan ni Manuel's cousin at kasama din sa labanan, si Manuel ay nakipagpulong sa arsenal kay Antonio Luna at Eduardo Llanera, the na anak ni Heneral Llanera, matapos ang labanan.
Ang awtoridad ng Espanya ay nag-organisa ng kumpanya na may 200 sibilyan na Espanyol at mga mersenaryo ng sumunod na araw at inatake ang mga kampanteng naghimagsik, at itinaboy ang mga ito palayo sa sentro ng gobyerno. Nang sumunod na araw ay dumating ang dagdag puwersa ng Espanya na dumating sa Peñaranda, na puwersa ang mga rebeldeng kulang sa armas na umatras, at naiwan ang may 60 na patay. Hinabol ng mga Espanyol ang mga naghihimagsik, itinulak papalayo ang mga nasa Cabiao papatakas sa Candaba, Pampanga, at ang mga nasa Gapan ay nagtago sa San Miguel de Mayumo sa Bulacan. Ang mga naghimagsik sa San Isidro ay tumakas patawid ng ilog at nagtago sa Jaen. Ang mga kamag-anak ng mga nakilala ay itinaboy sa kanilang mga tahanan ng kolonyang awtoridad. Si Manuel Tinio at kanyang tropa ay naiwan upang protektahan ang mga taong masa sa Calaba, San Isidro, na halos kanyang mga kamag-anak, ay nagmamadali na makatawid sa ilog ngJaen, Nueva Ecija.
Ang walang awang pagtugis ng mga Espanyol sa mga rebelde ay nagtulak sa kanila na maghiwahiwalay at magtago hanggang Enero ng 1897. Si Tinio ay pangunahing hinahanap. May 5 talampakan 7 pulgada (170 cm) na tangkad, masasabing madali siyang makilala sa mga umatake, na kung saan ang mga taas nila ay nasa 5 talampakan (150 cm) lamang. Nagtago siya Licab. Ang pulutong na cazadores (footsoldiers) ay ipinadala upang arestuhin siya, na nagtulak kay Hilario Tinio Yango, na kanyang pinsan at ang Kapitan Municipal ng bayan, na ituro siya. Sa banta ng papalapit na mga sundalo, nakatakas muli si Manuel na tumakas ng nakayapak lamang pabalik ng San Isidro,kung saan sa baryo ng Calaba, Alua at Sto. Cristo, ay nagtago siya sa mga bukirin ng kanyang kamag-anak sa tabi ng Rio Gapan (kilala ngayon na ilog Peñaranda). Sa takot na maaresto ay siyang naging dahilan na siya ay palaging nagpapalipat lipat ng lugar. Hindi siya natutulog sa iisang lugar. Paglaon, ipinagpalagay niya ang kanyang pagkakasakit sa maagang edad sa kahirapang natamo niya ng mga buwan na iyon.
1897
Ang mga rebelde ay muling nabuo ng tumigil sa paghabol ang mga Espanyol. Si Tinio at kanyang mga tauhan ay sumama kay Hen. Llanera sa pakikipaglaban nito sa mga Espanyol. Si Tinio ay ginawang kapitan ni Llanera.
Ang pagiging agresibo ng batang si Manuel Tinio ay nakarating kay General Emilio Aguinaldo, na ang kanyang mga puwersa ay napapalayas sa Cavite at Laguna. Umatras siya sa bundok Puray sa Montalban, Rizal at nagpatawag ng pulong ng mga patriotiko noong Hunyo 1897. Sa pulong na iyon, itinalaga ni Aguinaldo si Mamerto Natividad, Jr. bilang kumandante heneral ng Himagsikang Hukbo at si Mariano Llanera bilang bise kumandante na may ranggo na Tinyente Heneral. Si Manuel Tinio ginawang Koronel at nagsilbi kay Heneral Natividad.
Ang patuloy na lakas ng hukbo ni Gov. Gen. Primo de Rivera ay naitaboy si Aguinaldo to Gitnang Luzon. Noong Agosto, nag desisyon si Hen. Aguinaldo na ilikas ang kanayng puwersa na 500 kalalakihan sa kuweba ng Biak-na-Bato sa San Miguel, Bulacan sapagkat ang lugar ay madaling idipensa. Doon, ang kanayang puwersa ay sumama kay Hen. Llanera. Sa tulong ni Pedro Paterno, isang prominenteng Philippines abugado, si Aguinaldo ay nagumpisang makipag-ayos sa isang pansamantalang kapayapaan sa gobyernong Espanyol kapalit ng mga pagbabago, bayad pinsala, at isang ligtas na pag-uugali.
Noong Agosto 27, 1897, Si Heneral Mamerto Natividad at Koronel Manuel Tinio ay nagsagawa ng pagsalaky sa Carmen, Zaragoza at Peñaranda, Nueva Ecija. Matapos ang tatlong araw, noong ika-30, ay nakuha nila ang Santor (ngayon ay Bongabon) sa tulong ng mga mamamayan. Tumigil sila doon hanggang Setyembre 3.
Noong Setyembre 4, na may pangunahing layunin ng pagkuha ng mga probisyon na kulang sa Biak-na-Bato, si Hen. Natividad and Koronel Manuel Tinio ay nagsama kasama ang puwersa ni Koronel Casimiro Tinio, Hen. Pío del Pilar, Koronel Jose Paua at Eduardo Llanera sa isang madaling araw na pag-atake sa Aliaga. (si Casimiro Tinio, na kilala bilang ‘Capitan Berong’, ay nakatatandang kapatid ni Manuel sa kanyang ama sa una nitong kasal.)
Ang Labanan sa Aliaga, itinuturing na isa sa mga pinaka maluwalhating labanan ng paghihimagsik . Nakuha ng mga rebelde ang mga simbahan at kumbento, ang Casa Tribunal at iba pang gusali ng gobyerno. Namatay ang kumandante ng Espanya sa unang bugos ng labanan, habang ang iba ay nakulong sa makapal na pader ng bilangguan.Ang mga rebelde naman ay nagpatuloy at pinatibay ang mga bahay. nang sumunod na araw,linggo ika-5, ang simbahan at kumbento at iba pang mga bahay ay sinunogbilang depensa.
Iba pang gawa at kanyang Kamatayan
Si Manuel Tinio, kasama ang mga katulad niyang mason (karamaihan sa mga rebolusyunaryo ay kasapi), ay nanguna sa pagtatayo ng unang Masonic Lodge sa Nueva Ecija sa Cabanatuan City, na ipinangalan sa kanya.[5]
Isa din siyang pangunahing mangangalakal bukod sa pagiging hacendero. May natatanging kaalaman ukol sa matinding kakulangan sa pagtatrabaho na dumating dahil kalat na pag-gawa ng mga gubat na maging mga kabukiran noong 1903 hanggang 1920, siya at kanayng mga kapwa hacenderos ay nagtayo ng Samahang Magsasaka noong 1910. Ang Samahan ay nag-angkat at namahala ng kauna-unahang rice thresher sa bansa. Isang malaking makina na pinapagana ng apoy mula sa kahoy na steam engine at mas maraming ulit na mas malaki sa pinakamalaking trilladoras na kilala noong 50s at 60s. Sa bandang huli, ang kumpanya at ay nagbigay ng elektrisidad saCabanatuan City, at nagpapatuloy hanggang ngayon.
Nagtatag din siya noong 1911, nang unang kumpanya ng soft drink sa bansa. Ang Marilao Mineral Water Co. ay may planta ng bote sa tabi ng isang bukal sa Marilao, Bulacan na naging Coca-Cola.
Ang laganap na pag-gawa ng mga bukid mula sa pagiging kagubatan noong unang dalawang dekada ika 20 siglo ay nagbunga ng madaming produkto ng bigas. nang ikalawang dekada, ang Nueva Ecija ay naunahan ang Pangasinan sa pagiging kamalig ng bigas sa buong Luzon, ang Cabanatuan ay nasa tungo ng pagiging sentro ng distribyusyon ng bigas sa Central Luzon. Madaming mga kiskisan ang nagsulputan. Si Manuel Tinio ang nagtayo ng una at pinakamalaking ricemill sa Cabanatuan. Noong araw na iyon, ang pagkakaroon ng sariling ricemill ay parang may sarili kang banko. Ang palay na idinidiposito dito ay maaring ipalit ng ilang beses hanggang ang may-ari ay mabawi ang kanyang kalakal, at ang may-ari ng ricemill ay tumutubo sa mga transaksyon.
Nang siya ay mamatay, naiwan nya ang may 2,200 na mga baka sa kanyang mga anak.
Noong Disyembre 28, 1923, si Manuel Tinio ay dinala sa isang ospital sa Maynila hospital sa sakit na cirrhosis sa atay. Sobra siyang kinikilala ng karamihang kaya't si Manuel Quezon, ng marinig na si Hen. Tinio ay may matinding karamdaman, gayundin si Pres. Emilio Aguinaldo ay nagmadaling nagtungo sa ospital, nang nakapajama lamang. Namatay siya sa edad na 46 at 10:00 PM noong February 22, 1924 sa 214 Real St., Intramuros, Maynila, iniwan ang kanyang biyuda at 12 na anak.[1]
Dahil sa kanyang nagawa sa bansa, ang gobyerno at nagbahagi ng isang ispesyal na tren na dalhin ang kanyang kabaong sa Cabanatuan. Ang tren ay humihinto sa bawat istasyon, upang ang mga opisyal ng bawat bayan ay makapag bigay pugay sa kanya. Si Hen. Manuel Tinio ay inilibing sa Cabanatuan noong Marso 2, 1924.[nb 1] Si Hen. Aguinaldo at iba pang nabubuhay na heneral ng himagsikan, si Quezon, Osmeña at iba pang opisyal ng gobyerno ay nagbigay galang sa kanya.
General Tinio, Nueva Ecija
Si Congressman Celestino Juan ay nagtaguyod ng isang congressional act na nagpapalit sa bayan ng Papaya at pangalanan ito na General Tinio upang gunitain si Heneral Manuel Tinio, isang marangal at kilalang rebolusyonaryong pinuno laban sa mga Kastila na nagmula sa Nueva Ecija . Ang utos ay naisabatas noong Hunyo 20, 1957 bilangRepublic Act No. 1665.[6] Ang bagong pangalan ng bayan ay pinasinayaan makalipas ang ilang araw , noong Agosto 19, 1957.
Mga anak at kamag-anak
Mga Anak
kay Laureana Quijano
Judge Mariano Quijano Tinio (ipinanganak May 27, 1900 sa Sinait, Ilocos Sur)[7]
Maj. Manuel "Manolo" Quijano Tinio (April 4, 1902 sa Lapog (ngayon ay San Juan), Ilocos Sur – 1977)[8] – beterano ng War II , Bataan Death March. Si Manolo ang namahala ng Hacienda Tinio [3] noong 1924 matapos mamatay ni Goberanador Manuel Tinio.
Oscar C. Tinio, Vice Governor of Nueva Ecija, Former Acting Governor
Isabelo Tinio Crisostomo, dating presidente ng Philippine College of Commerce at isang prominenteng Filipino author, biographer, at historian. Ang sinulat niyang talambuhay ay kasama ang mga dating pangulo ng Pilipinas Ferdinand Marcos (Marcos, the Revolutionary), Corazon Aquino (Aquino, Profile of a President) and Fidel Ramos (Fidel Valdez Ramos: Builder, Reformer, Peacemaker), at ang dating Unang Ginang Imelda Marcos (Heart of the Revolution). Dagdag pa, ang kanyang Modern Advertising para sa mga Filipino sa Advertising: Background, Theory, at Practice ay kinikilalang aklat sa mga pamantasan.[16]