Gregoria de Jesus

Gregoria de Jesus
Kapanganakan9 Mayo 1875(1875-05-09)
Kamatayan15 Marso 1943(1943-03-15) (edad 67)
Ibang pangalanAling Oriang, Lakambini
TrabahoMaybahay, Katipunera
Kilala saIna ng Katipunan
AsawaAndres Bonifacio (1893 – 1897), Julio Nakpil (1898 – 1943)

Si Gregoria de Jesus ay ipinanganak sa Kalookan noong ika-9 ng Mayo, taong 1875. Siya ay anak ng ulirang mag-asawang sina Nicolas de Jesus at Baltazara Alvarez. Siya ay kabiyak ng dibdib (asawa) ng supremo ng Katipunan na si Andres Bonifacio. Siya ay kilala sa bansag na "Ina ng Katipunan" , "Ina ng Himagsikan" at Lakambini ng Katipunan.[1]

Si Gregoria de Jesus na karaniwang tinatawag ng mga manghihimagsik na "Inang Oriang"[2] ay nagkaroon ng mahalagang tungkulin sa Katipunan. Siya ang taga-ingat ng mga mahahalagang kasulatan dito. Pinamahalaan ni Oriang ang pagpapakain at pagpapagamot sa mga kasapi ng Katipunan na minalas na masugatan. Nang minsang may nagtraydor sa Katipunan ay itinuro siya na siyang naghahawak ng mahahalagang kasulatan ng Katipunan, subalit ang mga ito ay madali niyang naitago sa malayong lugar.[2][3]

Nang madakip si Andres Bonifacio at ang kanyang kapatid na si Procopio, ay hindi na ito hiniwalayan ni Inang Oriang. Nang patayin sina Bonifacio ay hindi ito ipinaalam sa kanya. At nang malaman niya ito ay hinanap niya ang bangkay ng kanyang asawa ngunit ito'y hindi niya rin nakita. Napangasawa niya si Ginoong Julio Nakpil at sila ay nagkaroon ng limang na anak.[4] Nagkaroon siya ng isang anak kay Andres Bonifacio ngunit ito ay namatay nang sanggol pa lamang.

Si Gregoria de Jesus ay namatay noong Marso 15, 1943 sa Maynila sa gitna ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Mga sanggunian

  1. "Mga Tala ng Aking Buhay". Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-08-26. Nakuha noong 2009-01-07. Jesús, Gregoria de (1932). Mga Tala ng Aking Buhay at Mga Ulat ng Katipunan. Limbagang Fajardo.
  2. 2.0 2.1 "Excerpt". Inarkibo mula sa orihinal noong 2006-04-27. Nakuha noong 2008-07-29. Santiago, Lilia Quindoza (1997). Tales of Courage & Compassion: Stories of Women in the Philippine Revolution. HASIK inc.
  3. Jesus, Gregoria de. "Filipino Women". Solidarity Philippines Australia Network. Nakuha noong 2006-12-28.
  4. "The Katipunera (autobiography)". MSC. Nakuha noong 2006-12-28.