Ang Kromosomang 11 (Ingles: Chromosome 11) ang isa sa 23 pares ng mga kromosoma sa tao. Ang mga tao ay normal na may dalawang mga kopya ng kromosomang ito. Ang kromosomang 11 ay sumasaklaw sa mga 134.5 milyong mga base na pares na pantayong materyal ng DNA at kumakatawan sa pagitan ng 4 at 4.5 porsiyento ng kabuuang DNA sa selula ng tao. Ito ang pinakamayaman sa gene at sakit na mga kromosoma sa genome ng tao. Ang pagtukoy sa mga gene sa bawat kromosomang ito ay isang aktibong sakop ng henetikong pagsasaliksik. Dahil sa ang mga mananaliksik ay gumagamit ng iba't ibang mga pamamaraan upang hulaan ang bilang ng mga gene sa bawat kromosoma, ang tinantiyang bilang ng mga gene ay iba iba. Ang kromosomang 11 ay malaman na naglalaman sa pagitan ng 1,300 at 1,700 mga gene. Ang isang kamakailang pag-aaral[1] ay nagpapakitang ang 11.6 na mga gene kada megabase kabilang ang 1,524 na nagkokodigo ng protinang mga gene at 765 mga pseudogene ay matatagpuan sa kromosomang 11. Ang higit sa 40% ng 856 na mga gene ng reseptor ng pang-amoy sa genome ng tao ay matatagpuan sa 28 na isa at maraming gene na mga kumpol sa kahabaan ng kromosomang ito.
Mga gene
Ang sumusunod ang ilan sa mga gene na matatagpuan sa kromosomang 11:
ACAT1: acetyl-Coenzyme A acetyltransferase 1 (acetoacetyl Coenzyme A thiolase)