Ang Kilusang Bagong Lipunan (KBL), noon ay tinawag na Kilusang Bagong Lipunan ng Nagkakaisang Nacionalista, Liberal, at iba pa (KBLNNL), ay isang partidong pampolitika sa Pilipinas. Ito ay unang nabuo noong 1978 bilang isang koalisyon ng mga taga-suporta ng yumaong Pangulong Ferdinand E. Marcos para sa Pansamantalang Batasang Pambansa at ang nagsilbing sasakyang pampolitika sa ilalim ng kanyang rehimen.[7] Ito ay muling isinaayos bilang isang partido noong 1986 pagkatapos mapatalsik si Ferdinand Marcos,[8] bilang isa sa mga pinaka maka-kanan na partidong pampolitika sa buong bansa.[8]
Simula 1986, ang KBL ay nakipagpaligsahan sa pambansa at local na mga halalan sa Pilipinas ngunit nakakuha ng iisang puwesto lamang sa Kamara sa Ilocos Norte, na hawak ng dating Unang Ginang ng Pilipinas na si Imelda Marcos hanggang 2019.
Ang mga ugat ng ideolohiya ng konseptong "bagong lipunan" ay maaring mabalikan sa mga kadahilanan ng pagdedeklara ng Batas Militar noong Septyembre 1972.[9](p"66") Sa kanyang retorika, iginiit ni Pangulong Marcos na ang sistema ng "awtoritaryong konstitusyonal" ay karapat-dapat upang "mareporma ang lipunan" at makabuo ng "bagong lipunan" sa ilalim ng kanyang pamumuno.[9](p"29")[10][11]
Anim na taon matapos ang pagdedeklara ng Batas Militar, inangkin ni Marcos ang retorikang ito at ginamit ang parirala bilang pangalan ng koalisyon ng mga kaalyadong mga partido ng administrasyon noong sila ay tumatakbo para sa 1978 Halalang Pamparliyamentaryo sa Pilipinas.[7] Ibinalik ng koalisyon ang pangalang ito nang sila ay nareorganisa noong 1986.
Humiwalay na mga panig matapos ang Rebolusyong EDSA
Matapos ang Rebolusyong EDSA, na naghiwatig ng katapusan ng 21 taong kapangyarihan ni Ferdinand Marcos, siya, ang kaniyang pamilya at ang kanyang mga tanyag na mga loyalista, ang makinarya ng partido ni Marcos ay mabilisang nagkandawatak-watak sa maraming mga panig, kung saan ang naging piakamatagumpay ay ang Partido Nacionalista ni Blas Ople, isang reorganisadong Partido Nacionalista na pinamunuan ni Rafael Palmares at Renato Cayetano matapos ang pakamatay ni Senador Jose Roy, at ang reorganisadong Kilusang Bagong Lipunan na pinamumunuan naman ni Nicanor Yñiguez.[12][13]
Noong paanahon ng 1987 Plebisitong Konstitusyonal sa Pilipinas, ang muling nabuong KBL sa ilalim ni Yñiguez[8] - nanatiling matapat sa ideyolohiya ni Marcos, na sumasalungat sa Partido Nacionalista ng Pilipinas kung saan sila ay pumapanig sa bandang sentro ng espektrong pampolitika, at ang Palmares wing ng Partido Nacionalista at ang Kalaw wing ng Partido Liberal ay napaloob naman sa sentrong-kanan ng espektrong pampolitika.[12]
Paghihiwalayan sa Partido noong 2009
Noong 20 Nobyembre 2009, ang KBL ay kumampi sa Nacionalista Party (NP) sa pagitan ni Bongbong Marcos at Tagapangulo ng NP Senador Manny Villar sa Laurel House sa Mandaluyong.[14][wala sa ibinigay na pagbabanggit] Si Bongbong ay natanggal rin bilang miyembro ng Pambansang Komiteng Ehekutibo ng KBL noong 29 Nobyembre.[15] Kaya naman, ang NP ay nakipagputol sa KBL dahil sa mga pagtatalo sa loob ng koalisyon, ngunit si Marcos ay nanatiling parte ng talaang pangsenador ng NP.[14][wala sa ibinigay na pagbabanggit]
Jay Sonza – Kandidatong Pangikalawang Pangulo (talo)
Talaang Pangsenado
Alma Lood (talo)
Hector Villanueva (talo)
Shariff Ibrahim Albani (talo)
Tanyag na mga miyembro
Ferdinand Marcos — ika-10 na Pangulo ng Pilipinas, Pangulo ng Senado, kongresista
Roberto "Amay Bisaya" Reyes Jambongana— Kumandidato bilang senador, kumandidato bilang gobernador ng Bohol, komedyante
Larry Gadon — Kumandidato bilang senador sa Halalang Pangsenador sa Pilipinas noong 2019,abogado; nagtaguyod para sa pagpapatalsik kay nakaraang Punong Hukom Maria Lourdes Sereno[16][17]
↑Landé, Carl (1996). Post-Marcos Politics: A Geographical and Statistical Analysis of the 1992 Presidential Election. Institute of Southeast Asian Studies. p. 37.
↑Beltran, J. C. A.; Chingkaw, Sean S. (October 20, 2016). "On the shadows of tyranny". The Guidon (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Hulyo 31, 2020. Nakuha noong June 20, 2020.
↑"Filing of COCs at Comelec on Day 4". The Philippine Star. Inarkibo mula sa orihinal noong September 9, 2013. Nakuha noong April 19, 2018. {{cite news}}: |archive-date= / |archive-url= timestamp mismatch; Setyembre 9, 2012 suggested (tulong)
↑Editorial (May 31, 2018). "Revising history — yet again". Philippine Daily Inquirer (sa wikang Ingles). Nakuha noong July 24, 2018.