Partidong pampolitika

Ang partidong pampolitika ay isang samahang pampolitika na naghahangad na makakuha at mapanatili ang kapangyarihang pampolitika sa isang pamahalaan, kalimitan sa pamamagitan sa pagsali sa mga kampanyang pampolitika. Kaakibat palagi ng isang partido ang mga kaisipan at mga ninanais nila sa isang plataporma na may natatanging hangarin.

Sistema ng Partido

Di-Partisano

Sa ganitong uri ng sistema walang partidong nabuo o binubuo. Ang eleksiyon sa ganitong sistema ang bawat kandidato ay maaaring tumakbo sa anumang posisyon gamit ang kanyang kakayanan at kaalaman.

Solong Dominanteng Partido

Ang ganitong uri ng sistema ay nagpapahintulot na magkaroon ng isang partido pampolitika na mamuno sa posisyon.Kahit pa minsan ay pinapayagan na umukopa ng posisyon, kinakailangan nilang sumunod sa pamamahala ng dominanteng partido.

Dalawang Dominanteng Partido

Ginagamit ang ganitong sistema sa Estados Unidos at Jamaica. Sa ganitong sistema mayroong dalawang partido pampolitika na namumuno sa opis. Kaya naman sa pamimili pa lamang nang kung sino ang kakandidato sa bawat partido ay mahirap nang magdesisyon.

Madaming Partido

Sa ganitong sistema mayroong partidong mas madami pa sa dalawa ang naglalaban-laban para sa pamamahala.Ang mga halimbawa nito ay ang mga bansang Canada, India, Republika ng Ireland at United Kingdom. Ang mga bansang ito ay mayroong dalawang malalakas na partido at mayroon pang isang partido na nagsisilbing babala at hamon sa tuwing panahon ng halalan. Kalimitang pumapangalawa ang partidong ito ngunit hindi kailanman nakapamuno talaga. Ang Finland ay isang kakaibang kalagayan sapagkat mayroon silang tatlong malalakas na partido na naghahawak ng pamamahala sa bansa.

Balanseng Madaming Partido

Pananalapi ng Partido

Ang mga partidong pampolitika ay nakakalikom ng pera galing sa mga kasapi nito at sa iba't ibang indibidwal at organisasyon na katulad ng kanilang mga adhikain at naisin.


PolitikaTao Ang lathalaing ito na tungkol sa Politika at Tao ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.