Maaring lumago ang punong kalantas hanggang 25 metro (82 talampakan) at sumusukat hanggang 25 centimetro (9.8 pulgada) sa diametro.[4] Ang kulay ng banakal nito ay mula madilaw hanggang sa madilim na kayumanggi at ang panloob na banakal ay maliwanag na kayumanggi[2] habang diretso at hugis baso ang katawan nito.[4] Naisasalarawan ang dahon nito bilang tambalan, salit-salit na pahaba o pangkalahatang lanseyolado.[4] Nakakapsula ang prutas ng kalantas na maaring tambilugan o pahaba na sumasukat ang haba sa 3–4 centimetro (1.2–1.6 pul).[2]
Nagaganap ang pamumulaklak mula Hunyo hanggang Agosto habang namumunga ito mula Setyembre hanggang Nobyembre.[5] Sa Bundok Makiling, Laguna, Pilipinas, nagaganap ang pangongolekta ng mga buto mula Pebrero hanggang Marso.[5]
Distribusyon, kahalagaan at katayuan ng pananatili
Pangkalahatan nakakalat sa buong Pilipinas partikular sa mga kapuluan ng Balabac, matatagpuan ang punong kalantas sa mga burol ng isang gubat na nasa mababa hanggang katamtamang altitud o taas.[4] Ginagamit ang kahoy ng puno sa paggawa ng kahon, muwebles o plywood.[4][5] Naikategorya ang kalantas ng International Union for Conservation of Nature (IUCN) bilang Kakulangan sa Datos[2] ngunit naiulat na ubos na ubos na ang kalantas dahil sa pagtrotroso at kaingin.[4] Ginawa ang mga pagsisikap sa muling pagtatanim sa gubat sa Pilipinas at napabiling dito ang punong kalantas sa mga pagsisikap na ito.[6] Ang isa sa mga pagsisikap na ito ay ginawa ng Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na Yaman ng Pilipinas noong panahon ng termino na noo'y PangulongGloria Macapagal-Arroyo kung saan ang pangulo mismo ang nagtanim ng punla ng isang punong kalantas,[7]na pinapaboran na puno na itinataguyod ng pangulo.[8]
↑ASEAN Tropical Plant Database. "Toona calantas Merr. & Rolfe" (sa wikang Ingles). National Institute of Environmental Research, Republic of Korea. Inarkibo mula sa orihinal noong Disyembre 11, 2013. Nakuha noong Disyembre 12, 2013.