Si Justino Martir o Justin Martyr (Griyego: Ἰουστῖνος ὁ μάρτυς, romanisado: Ioustinos ho martys; c. 100 CE – c. 165 CE) ay isang apolohistang Kristiyano at pilosopo. Ang karamihan sa kanyang mga akda ay nawala na ngunit ang dalawang apolohiya at isang dialogo ay umiiral pa. Ang Unang Apolohiya ni Justino Martir na pinakatanyag niyang akda ay isang masigasig na pagtatanggol sa moralidad ng pamumuhay ng mga Kristiyano at nagbibigay ng iba't ibang mga etikal at pilosopikal na argumento upang mahikayagt ang emperador Imperyong Romano na si Antoninus na abandunahin ang pag-uusig sa Simbahan. Kanya ring isinaad na ang mga "binhi ng Kristiyanismo" (ang mga manipestasyon ng Logos ay aktuwal na nauna bago ang pagkakatawang tao ng Kristo). Kanyang inangking ang maraming mga pilosopong Griyego gaya nina Socrates at Plato ay mga "walang kamalayang sila'y mga Kristiyano". Siya ay naging martir kasma ng ilang niyang mga estudyante at ginawang isang santo sa Simbahang Katoliko Romano, Simbahang Silangang Ortodokso, Simbahang Ortodoksong Oriental at Anglikano.
Mga sanggunian