Ang insekto o kulisap (mula sa Latin insectum) ay mga pancrustaceanhexapod na imbertebrado ng klasengInsecta. Ito ang pinakamalaking pangkat ng phylum na arthropod. Ang mga insekto ay may chitin na exoskeleton, isang tatlong bahaging katawan (ulo, thorax at abdomen) , tatlong pares ng magkadugtong na mga hita, mata at isang pares ng antena. Ang kanilang dugo ay hindi buong nasa loob ng mga vessel. ang ilan ay sumisirkula sa isang bukas na kabidad na tinatawag na haemocel. Ang mga insekto ang pinakamaraming uring pangkat ng mga hayop. Ito ay kinabibilangan ng higit sa isang milyong espesye at kumakatawan sa higit as kalahati ng lahat ng alam na mga buhay na organismo sa mundo. Ang kabuuang bilang ng mga nabubuhay na espesye nito ay tinataya sa pagitan ng anim hanggang sampung milyong at potensiyal na 90 porsiyento ng lahat ng mga anyong buhay na hayop sa mundo. Ang mga insekto ay matatagpuan sa lahat ng kapaligiran ngunit ang ilang maliit na bilang ng espesye ay naninirahan sa mga karagatan na nadodominahan ng isa pang pangkat ng arthropod na mga crustacean na ayon sa kamakailang pag-aaral ay ninuno ng mga insekto.
Ebolusyon ng mga insekto
Ang mga insekto ay lumitaw sa mundo noong 480 milyong taon ang nakakalipa sa panahong [[Ordobisiyano] sa parehong panahon ng paglitaw ng mga halaman sa lupain.[1] Ang mga insekto ay maaaring nag-ebolb mula sa isang pangkat ng mga crustacean.[2] Ang mga unang insekto ay mga panglupain ngunit noong mga 400 milyong taon ang nakakalipas sa Deboniyano, ang isang linya ng mga insekto ay nag-ebolb ng kakayahan sa paglipad at ang unang mga hayop na nakagawa nito.[1] Ang pinakamatandang fossil ng ng inekto ang Rhyniognatha hirsti ca. 400 milyon taon ang edad.[3] Ang mga may pakpak na insektong Pterygote ay sumailalim sa isang mahalagang adaptibong radyasyon sa panahongn Karbonipero ca. 356 hanggang 299 milyong taon ang nakakalipas samantalang ang mga insektong Endopterygota ay sumailalim sa isa pang mahalagang radyasyon noong Permiyano ca. 299 hanggang 252 milyong taon ang nakakalipas. Ang karamihan sa mga nabubuhay ngayong orden ng mga insekto ay nag-ebolb noong Permiyano. Ang karamihan sa mga maagang pangkat ay naglaho sa ekstinksiyong Permiyano-Triasiko na pinakamalaking ekstinksiyon sa kasaysayan ng mundo mga 253 milyong taon ang nakakalipas.[4] Ang mga nakaligtas sa ekstinksiyong ito ay nagebolb noong Triasiko ca. 252 hanggang 201 milyong taon ang nakakalipas sa ngayong mga modernong orden ng insekto. Ang karamihan sa mga modernong insektong pamilya ay lumitaw noong panahong Hurasiko.