Eddie Romero

Eddie S. Romero
Kapanganakan
Eddie Sinco Romero

7 Hulyo 1924(1924-07-07)
Kamatayan28 Mayo 2013(2013-05-28) (edad 88)
NasyonalidadPilipino
ParangalPambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas
LaranganSinema
Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas

Sinema
2003

Si Eddie Sinco Romero (Hulyo 7, 1924 – Mayo 28, 2013) ay isang prodyuser, direktor at manunulat (screenwriter) na ipinahayag na Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas sa larangan ng sinema noong 2003.[1][2]

Unang yugto ng buhay

Noong Hulyo 7, 1924 ay ipinanganak si Eddie Sinco Romero kina Jose E. Romero at Pilar Sinco.[3] Napangasawa niya si Carolina Gonzales at nagkaroon sila ng tatlong anak.[3]

Edukasyon

Nakapagtapos si Eddie Romero ng elementarya at haiskul sa Unibersidad ng Silliman noong 1935 at 1940.[4] Natapos niya ang Batsilyer ng Sining sa Unibersidad ng Pilipinas at ang Associate in Arts sa Unibersidad ng Silliman.[3] Nakuha niya ang kanyang doktorado sa Foundation University ng Lungsod ng Dumaguete.[3]

Mga nagawa

Ilan sa mga nagawa niya ay ang "Buhay Alamang" noong 1952, "Day of the Trumpet" noong 1957, "The Scavengers" noong 1958, "Man on the Run" noong 1959, "The Raiders of Leyte Gulf" noong 1963, "The Beast of the Yellow Night" noong 1971, "Beyond Atlantis" noong 1971, “Ganito Kami Noon…Paano Kayo Ngayon?” noong 1976, "Aguila" noong 1981, "Kamakalawa" noong 1981, "A Case of Honor" noong 1988, "Noli Me Tangere" noong 1992, at "Faces of Love" noong 2006.[1][3][5][6]

Mga parangal na natanggap

Iginawad kay Eddie Romero ang Papal Award ng Catholic Mass Media Awards bilang Director ng Pelikula ng Dekada 1971 hanggang 1980. Nakatanggap din siya ng limang FAMAS awards at napabilang sa Hall of Fame para sa pagsulat ng iskrip ng "Buhay Alamang", "Aguila", "Passionate Stranger", "Durugin si Totoy Bato", at "Ang Padrino".[3]

Kamatayan

Noong Mayo 28, 2013 ay yumao si Eddie Romero sa edad na 88 at hinimlay sa Libingan ng mga Bayani.[3][5]

Mga sanggunian

  1. 1.0 1.1 "Order of National Artists: Eddie Romero". National Commission for Culture and the Arts. Republic of the Philippines. Inarkibo mula sa orihinal noong Hulyo 27, 2022. Nakuha noong December 12, 2023.
  2. "Proclamation No. 383 Declaring Edgar Sinco Romero (a.k.a. Eddie Romero) as National Artist for 2003" (PDF). Official Gazette. Nakuha noong December 23, 2023.{{cite web}}: CS1 maint: url-status (link)[patay na link]
  3. 3.0 3.1 3.2 3.3 3.4 3.5 3.6 "Romero, Eddie Sinco". Sagisag Kultura. National Commission for Culture and the Arts. Nakuha noong 2023-12-22.{{cite web}}: CS1 maint: url-status (link)
  4. "PRESS STATEMENT: In Honor of Mr. Eddie S. Romero". Silliman University. Silliman University. Nakuha noong 2023-12-23.{{cite web}}: CS1 maint: url-status (link)
  5. 5.0 5.1 Dumaual, Mario (May 29, 2013). "Master of genres: Eddie Romero's legacy". ABS-CBN News. Nakuha noong December 23, 2023.{{cite web}}: CS1 maint: url-status (link)
  6. "Eddie Romero". The Weekly Sillimanian (sa wikang Ingles). 2018-01-17. Inarkibo mula sa orihinal noong 2023-12-23. Nakuha noong 2023-12-23.