Bungisngis (kwentong-bayan)

Si Bungisngis ay isang malaking higante na may isa lang mata sa kuwentong-bayan sa Pilipinas. Ito ay sinasabing naninirahan sa Meluz, Orion, Bataan, at Cebu at laging nakangiti o nangungutya.[1] Ang kahulugan ng pangalan na Bungingis ay nagmula sa salitang Sebwano na "ngisi" na nangangahulugang "tumawa ng bahagya" o "umirap".[2] Gayon din naman ang kahulugan sa Tagalog na nangangahulugan din na pagngiti ng bahagya.

Si Bungisngis ay isang malataong higante na may malalaking ngipin na palaging nakalabas. Ito ay nagpapakita ng sobrang lakas, na ipinapakita sa kuwentong "Ang Tatlong Magkaibigan - Ang Unggoy, Aso, at Kalabaw," kung saan ito ay nakapaglilipat ng kalabaw at nagtulak sa lupa na hanggang sa tinaas ang tuhod nito, at pati na rin sa pagpatay sa aso.[3] Gayunpaman, kahit na malakas ito, madaling maloko ang Bungisngis at mabilis na nasisindak.[4][5] Sa kuwento ng Tatlong Magkaibigan, ang mga biro ng unggoy ang nagdulot ng kamatayan ng Bungisngis, sa pamamagitan ng pagpapanggap na isang sinturon na kalaunan ay isang ahas.

Ang Bungisngis ay katulad ng siklope (o cyclops) sa mitolohiyang Griyego. Pareho silang may isa lang mata, na matatagpuan sa noo nito, ngunit ito ay napapalitan ng kanyang malakas na pandinig. Mayroon din itong malaking itaas na labi na kayang takpan ang kanyang mukha kapag ito ay itinaas.

Mga sanggunian

  1. Ramos, Maximo D. (1990) [1971]. Creatures of Philippine Lower Mythology. Quezon: Phoenix Publishing. p. 76. ISBN 971-06-0691-3.
  2. Viloria, Manuel (Nobyembre 13, 2005). "Philippine Lower Mythology" (sa wikang Ingles). viloria.com. Nakuha noong Oktubre 9, 2008.
  3. Fansler, Dean Spouill (2009). Filipino Popular Tales (sa wikang Ingles). BiblioBazaar, LLC. p. 31. ISBN 978-0-559-95004-9. Nakuha noong Mayo 9, 2009.
  4. Paraiso, Salvador; Jose Juan Paraiso (2003). The Balete Book: A Collection of Demons, Monsters, Elves and Dwarfs from the Philippine Lower Mythology (sa wikang Ingles). Giraffee Books. p. 57. ISBN 971-8832-79-3.
  5. "Magical Creatures and Non Human beings of the Philippines" (sa wikang Ingles). Filipino Forum.Net. Inarkibo mula sa orihinal noong Mayo 1, 2008. Nakuha noong Oktubre 9, 2008.