Tungkol sa bayan sa Pilipinas ang artikulo na ito. Para sa ibang gamit, tingnan ang
Baloi (paglilinaw).
Ang Balo-i, opisyal na Bayan ng Balo-i, ay isang ika class bayan sa lalawigan ng Lanao del Norte, Pilipinas. Ayon sa senso ng 2020, mayroon itong populasyon na 68,465 katao.
Binabaybay rin itong Baloi o Balëy gamit ang Ortograpíyang Filipino 2014. Matatagpuan sa bayang ito ang Paliparan ng Maria Cristina, na tinagurian ding Paliparan ng Iligan.
Kasaysayan
Itinatag ang Balo-i mula sa mga distritong munisipal ng Momungan, Pantar, at Balut noong 1 Agosto 1948. Ito ang pinagmulang bayan ng Tagoloan, na humiwalay noong 21 Hunyo 1969, at Pantar, na naging malayang bayan noong 11 Hunyo 1978.
Heograpiya
Mga barangay
Ang bayan ng Balo-i ay nahahati sa 21 na mga barangay.
- Abaga
- Adapun-Ali (Dariat)
- Angandog (Bulao)
- Angayen (Balut)
- Bangko
- Batolacongan (Basagad)
- Buenavista
- Cadayonan
- Landa (Gadongan)
- Lumbac
- Mamaanun
- Maria Cristina
- Matampay
- Nangka
- Pacalundo
- Poblacion East
- Poblacion West
- Sandor (Daduan)
- Sangcad (Cormatan)
- Sarip-Alawi (Payawan)
- Sigayan
Klima
Datos ng klima para sa Balo-i
|
Buwan
|
Ene
|
Peb
|
Mar
|
Abr
|
May
|
Hun
|
Hul
|
Ago
|
Set
|
Okt
|
Nob
|
Dis
|
Taon
|
Katamtamang taas °S (°P)
|
26 (79)
|
27 (81)
|
27 (81)
|
28 (82)
|
28 (82)
|
27 (81)
|
27 (81)
|
27 (81)
|
28 (82)
|
27 (81)
|
27 (81)
|
27 (81)
|
27.2 (81.1)
|
Katamtamang baba °S (°P)
|
22 (72)
|
22 (72)
|
22 (72)
|
23 (73)
|
23 (73)
|
23 (73)
|
23 (73)
|
22 (72)
|
23 (73)
|
23 (73)
|
23 (73)
|
22 (72)
|
22.6 (72.6)
|
Katamtamang presipitasyon mm (pulgada)
|
159 (6.26)
|
143 (5.63)
|
166 (6.54)
|
183 (7.2)
|
357 (14.06)
|
414 (16.3)
|
333 (13.11)
|
309 (12.17)
|
289 (11.38)
|
285 (11.22)
|
253 (9.96)
|
166 (6.54)
|
3,057 (120.37)
|
Araw ng katamtamang pag-ulan
|
18.4
|
17.2
|
20.6
|
23.4
|
29.3
|
29.2
|
29.9
|
29.4
|
27.7
|
28.7
|
25.5
|
19.9
|
299.2
|
Sanggunian: Meteoblue [3]
|
Demograpiko
Senso ng populasyon ng
Balo-iTaon | Pop. | ±% p.a. |
---|
1948 | 14,498 | — |
---|
1960 | 18,077 | +1.86% |
---|
1970 | 23,644 | +2.72% |
---|
1975 | 20,392 | −2.92% |
---|
1980 | 19,383 | −1.01% |
---|
1990 | 27,512 | +3.56% |
---|
1995 | 32,063 | +2.91% |
---|
2000 | 38,534 | +4.02% |
---|
2007 | 44,366 | +1.96% |
---|
2010 | 50,387 | +4.74% |
---|
2015 | 58,383 | +2.84% |
---|
2020 | 68,465 | +3.18% |
---|
Sanggunian: PSA[4][5][6][7] |
Ekonomiya
Ang tinatanim na mga produktong pansaka sa Balo-i ay kamote (ang pinakamalaking kamote sa lalawigan), mais, pakal, mga gulay, kalabasa, pakwan, madang, durian, niyog, at mani.
Ang mga produkto nito ay rotie (isang pankeyk na gawa sa harinang hinaluan ng lasang chicken curry), dodol (isang dinurog na kaning niluto kasama ang lasang durian), bakas (isang tunang dinangdang), at matatamis na mga panghimagas tulad ng tiyateg, berowa, amik, at tamokonsi.
Matatagpuan sa bayan ang Agus IV Hydroelectric Powerplant na nasa Ilog Agus at matatagpuan in Barangay Nangka, 18 kilometro mula sa lungsod ng Iligan. Ang planta, na matatagpuan 120 metro (390 talampakan) sa baba ng lupa, ay ang unang planta ng hidroelektrisidad na nasa ilalim ng lupa sa Mindanao at pangatlo sa Pilipinas. Ipinalalagay na sapat ang nililikhang kuryente nito para pailawan ang isang lungsod na 12 beses mas malaki sa laki ng Iligan o para paganahin ang 20 mga pabrika ng semento.
Mga sanggunian
Mga Kawing Panlabas