Ang Babae na Sinubok[1] (Arabe: الممتحنة, al-mumtaḥanah, ay ang ika-60 kabanata (sūrah) ng Quran, na surah na Madani na may 13 talata.
Kasaysayan ng paghahayag
Sang-ayon sa Islamikong tradisyon, isang sura na Madani ang Al-Mumtahanah na isang kabanata na hinayag ng hijra ni Muhammad sa Medina. Sang-ayon sa Ang Pag-aaral ng Quran, malamang naganap ang paghahayag sa isang punto pagkatapos ng ika-6 na taon pagkatapos ng hijra (AH) o 628 CE. Sang-ayon sa mga komentarista, naihayag ang unang talata noong pananakop ng Mecca noong 8 AH (Enero 630 CE).[2]
Nilagay ng tradisyunal na Ehipsyong kronolohiya ang kabanata bilang ika-91 kabanata ayon sa pagkakaayos ng paghahayag (pagkatapos ng Al-Tur), habang nilagay ito ng Kronolohiyang Nöldeke (ng oryentalistang si Theodor Nöldeke) sa ika-110.[3]
Nilalaman
Nagbibigay babala ang unang talata sa mga Muslim na huwag makipag-alyansa sa mga kalaban ng Diyos.[2] Ibinigay si Abraham sa mga talata 4—6 bilang isang modelo para dito, dahil inihiwalay niya ang sarili mula sa mga pagano ng kanyang sariling tribo, kabilang ang kanyang sariling ama.[2][4] Inihahayag sa mga talata 7 hanggang 9 ang isang posibilidad na ang mga Muslim at ang kanilang nakaraang mga kaaway ay maaring may mas mabuting relasyon ("Maaaring nagmamalas ang Diyos ng pagmamahal sa pagitan mo at ng kung kanino man na kinasusuklaman mo")[5] kung tumigil ang dating kaaway sa pakikipaglaban sa mga Muslim.[2] Nagbibigay ang mga talata na ito ng batayan para sa mga relasyon ng mga Muslim at di-Muslim sang-ayon sa Quran: ang pangunahing relasyon ay kapayapaan maliban kung inatake ang mga Muslim, o kapag nabigyan ng hustisya ang digmaan upang wakasan ang kawalan ng katarungan o iprotekta ang relihiyon.[6]
Inilaan ng atensyon ang sumunod na mga talata (10–12) sa ilang mga usapin tungkol sa batas Islamiko.[2] Dinideklera dito na hindi balido ang kasal ng mga Muslim sa politeista,[2] at tinituro ang mga Muslim kung papaano lutasin ang tanong ng mahr kapag ipapawalang bisa ang mga ganoong kasal.[7] May kaugnayan ang katayuan ng inter-relihiyosong mga kasal noong panahon ng paghahayag ng mga talatang ito, isang panahon na nag-Islam ang maramihang kababaihan mula sa Mecca habang hindi nag-Islam ang kanilang mga asawa, o ang kabaligtaran nito.[2]