Sura 69 ng Quranالحاقة Al-Ḥāqqah Ang Pangyayari Na Hindi Maaaring Pigilin |
---|
|
Klasipikasyon | Makkan |
---|
Posisyon | Juzʼ 29 |
---|
Blg. ng Ruku | 2 |
---|
Blg. ng talata | 52 |
---|
Blg. ng zalita | 260 |
---|
Blg. ng titik | 1,133 |
---|
|
Ang Pangyayari Na Hindi Maaaring Pigilin[1] (Arabe: الحاقة) ay ang ika-68 na kabanata (sūrah) ng Qur'an na may 52 talata (āyāt). Sa wikang Ingles, kilala ang surah sa ilang mga pangalan. Kabilang sa mga ito ang pangalang "The Inevitable Hour”, “The Indubitable”, “The Inevitable Truth”, at “The Reality”. Hinango ang mga pamagat na ito mula sa alternatibong mga salin ng al-Ḥāqqa, ang salita na lumilitaw sa unang tatlong ayat ng sura. Bagaman, bawat pamagat ng mga ito ay maaring iba't iba ang tunog, ipinapahawtig ang bawat isa ang pangunahing tema ng sura - ang Araw ng Paghuhusga.
Konteksto pangkasaysayan
Isang surah na Makkan ang Al-Ḥāqqa,[2] nangangahulugan na inihayag ito sa propeta habang nakatira siya sa Mecca salungat sa Medina. Nahahati ang mga surah na Makkan sa maaga, gitna, at huling panahon. Sa kronolohiya ni Theodor Nöldeke ng mga surah, inilalagay ang surah na ito bilang nasa maagang panahong Makkan.
Tema at paksa
Inihahayag ng surah ang tungkol sa tadhana ng Thamud, ʿĀd, Paraon, ibang pinatalsik na bayan, ang baha na dumating sa oras ni Propeta Noe. Tinatalakay nito ang premyo ng matatag at ang kaparusahan ng hindi naniniwala. Sa huli, pinapaalala ang mga indibiduwal na ang mensahe ay wala sa talata ng isang manunula o kung anumang ginawa ng Propeta mismo, pahayag ito ng Panginoon sa sansinukob.[3]
Mga sanggunian