Ang Yu-Gi-Oh! Duel Monsters (遊戯王デュエルモンスターズ) ay isang palabas na anime na nagmula sa bansang Hapon at pinalabas sa iba't ibang mga bansa. Adventure, Komedya, Drama, Pantasya, Shounen, Supernatural ang mga tipo (genres) ng palabas na ito.
3000 libo na ang nakalipas mula sa dinastiya sa Ehipto; ang espiritu ng Faraon na nakukulong sa loob ng isang luman relika, ang Millennium Puzzle (Palaisipan ng Milenyo), matapos mailigtas ang kaharian mula sa mga kaaway nito. Sa kasalukuyang panahon, nabuo ang Millennium Puzzle ng isang bata nagngangalang, Yugi Mutou na pinalabas ang espirtu ng palaisipan at nasaniban ng espiritu ng matandang Faraon, na nawala ang mga alaala ng kanyang lumang buhay. Bilang pasasalamat sa espiritu na naglitas sa kanya mula sa mga nanakit sa kanya at nagbigay n mga bagong mga kaibigan, nagpasya si Yugi tulungan ang espirtu na humanap ng paraan upang manumbalik ang kanyang nawalang alaala at ipadala siya sa kabilang buhay.