Mga lugar na may mananalita ng wikang Swahili o Komoryano ay ang katutubong wika,
opisyal o pambansang wika,
ay ang trade language. Bilang sa trade language, ang wikang Swahili ay nagpapalawig pa sa mas malayo pang kaunti hanggang sa hilagang-kanluran.[kailangan ng sanggunian]
Hindi alam at pinagtataluhan ang eksaktong bilang ng mga nananalita ng Swahili, maaaring ito'y katutubong nananalita o nananalita bilang ikalawang wika. Iba't ibang tantya ang iniharap at lubhang nagkakaiba sila, mula 100 milyon hanggang 150 milyon.[2] Nagsisilbi ang Swahili bilang pambansang wika ng DRC, Kenya, Tanzania, at Uganda. Shikomor, ang wikang opisyal ng Comoros at sinasalita rin sa Mayotte (Shimaore), ay may kaugnayan sa Swahili.[8] Ang Swahili ay isa rin sa mga pantrabahong wika ng Unyong Aprika at opisyal na kinikilala bilang lingguwa prangka ng Pamayanang Silangang Aprika.[9] Noong 2018, ginawang legal ng Timog Aprika ang pagtuturo ng Swahili sa mga Timog Aprikanong paaralan bilang opsyonal na asignatura na sisimulan sa 2020.[10]
May makabuluhang bahagi ng talasalitaan ng Swahili ang nanggagaling sa Arabe,[11] na bahagyang ipinapahiwatig ng mga Muslim na nananalita ng Arabe. Halimbawa, ang salitang Swahili para sa "aklat" ay kitabu, na matutunton sa salitang Arabe كتابkitāb (mula sa ugatK-T-B "magsulat"). Gayunman, ang maramihang anyo sa Swahili ng salitang ito ("mga aklat") ay vitabu, sa halip ng maramihang anyo sa Arabe كتبkutub, na sumusunod sa bararilang Bantu kung saan ki- ay inaanalisa muli bilang makangalang unlapi, at ang kanyang pangmaramihan ay vi-.[12]
Mga sanggunian
↑Thomas J. Hinnebusch, 1992, "Swahili", International Encyclopedia of Linguistics, Oxford, pp. 99–106 David Dalby, 1999/2000, The Linguasphere Register of the World's Languages and Speech Communities, Linguasphere Press, Volume Two, pg. 733–735 Benji Wald, 1994, "Sub-Saharan Africa", Atlas of the World's Languages, Routledge, pp. 289–346, maps 80, 81, 85
↑ 2.02.12.2"HOME – Home". Swahililanguage.stanford.edu. Nakuha noong 19 July 2016. After Arabic, Swahili is the most widely used African language but the number of its speakers is another area in which there is little agreement. The most commonly mentioned numbers are 50, 80, and 100 million people. [...] The number of its native speakers has been placed at just under 20 million.
↑Hinnebusch, Thomas J. (2003). "Swahili". Sa William J. Frawley (pat.). International Encyclopedia of Linguistics (2 ed.). Oxford: Oxford University Press. First-language (L1) speakers of Swahili, who probably number no more than two million
↑The Routledge Concise Compendium of the World's Languages (2nd ed.), George L. Campbell and Gareth King. Routledge (2011), p. 678. ISBN978-0-415-47841-0