Tsaa ng karneng baka

Ang tsaa ng karneng baka (Ingles: beef tea) ay tumutukoy sa tsaa na gawa mula sa karne ng baka. Iba't iba ang paraan ng paghahanda ng inuming ito. Sa paghahanda nito, ginagamit ang walang taba at walang litid o lamad na karne ng baka. Pinakamahalagang kayarian ng inuming ito ang mga nasa kulang-kulang na 2 bahagdan ng nakukuhang protina o albumin.[1]

Mga paraan ng paghahanda

Isa sa mga paraan ng paghahanda ng tsaang mula sa karne ng baka ang mabilisang pagpapakulo ng karne. Subalit ito ang hindi pinakakatanggap-tanggap na kaparaanan, dahil namumuo kaagad o nagiging koagulado ang mga albumin o protina, na nakapipigil sa pagpasok at pagkahalo patungo sa mismong tsaa.[1]

Pinakamainam na paraaan ang pahiwang papunit ng karne ng bakang walang lamad at litid. Inilalagay ito sa isang garapon. Hahaluan ang karne ng isang pinta ng tubig, hahaluin, at saka tatakpan. Unti-unting paiinitan ang garapon sa loob ng isang oras habang nakababad sa tubig na nasa loob isang kawali o kaserola. Pinapanatili ang temperatura sa 167 degring Fahrenheit, upang maiwasan ang pamumuo ng mahahalagang mga sustansiya ng karne. Pagkaroon nito, gawa na ang tsaa ng karneng baka, subalit hindi pa ito luto, dahil sa hilaw na pulang kulay at hilaw na lasa. Kaya't mabilisan na itong pakukuluan at tatanggalin mula sa pagkakadarang sa apoy. Ibubuhos ang tsaa sa isang lalagyan na hindi ginagamitan ng pansala.[1]

Bagaman hindi sinasala ang mismong tsaa, pinipiga namang sinasala ang mga piraso ng karne ng baka. Pagkaraan nito, inihahalo ang pinigang produkto sa nagawa nang tsaa ng karneng baka.[1]

Buong tsaa ng karneng baka

Ang buong tsaa ng karneng baka ay isang uri ng tsaang nagmula sa karne ng baka. Sa paghahanda nito, idinaragdag sa tsaa ang mga hibla ng karne na pinung-pino ang pagkakapulbos. Pagkatapos ng pagdaragdag sa tsaa, hinayaang nakalutang lamang ang mga pinulbos na hibla ng karneng baka.[1]

Kahalagan sa panggagamot

Sa pagpapagaling ng pasyente, nakatutulong ang pagpapainom ng tsaa ng karneng baka sa paghihikayat sa may sakit na kumain pa ng mas marami. Nakabubuti rin ito sa pagpapainam ng panunaw ng tao.[1]

Tingnan din

Mga sanggunian

  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 1.5 Robinson, Victor, pat. (1939). "Beef tea". The Modern Home Physician, A New Encyclopedia of Medical Knowledge. WM. H. Wise & Company (New York)., pahina 89.